Napalunok ako ng bumaba ang tingin niya sa labi ko tsaka tumaas ang gilid ng labi ng tumingin sa mata ko. "Kiss me."



Napabitaw ako sa kamay niya pero lalo lang siyang napangiti dahil sa reaksyon ko.



"A-Ayaw ko." Sabi ko na naiilang pang salubungin ang tingin niya at bahagya pang lumayo sa kaniya.



"Edi hindi pa kita napapatawad." Sabi niya na muling sumeryoso at binuksan ang computer niya.



Ano ba naman yan! Ano bang gagawin ko? Parang lugi yata ako? Lugi nga ba? Kiss na 'yun e! Kasi ayaw kong ako ang nauuna! Pero why not naman diba? Ilang araw na din kaming hindi nagkikiss. Ano ba naman 'yan Jiwell! Disisais ka pa lang e kumekerengkeng ka na agad! Wala namang makakaalam! Tama! Kami lang namang dalawa dito e! Tsaka kiss lang talaga.



Pinatay ko ulit 'yung computer niya kaya napalingon siya sa'kin, doon ko siya sinalubong ng halik. Bibitaw na sana ako sa halik pero hinawakan niya ang pisngi ko at lalo akong idinidiin. Walang pagtanggi sa sistema ko at gustong gusto ko talaga ang labi niya.



Siya ang unang bumitaw kaya nakahinga ako ng maluwag pero ang akala kong tapos na ay hindi pa pala. Muli niya akong hinalikan tsaka siya na ang kumalas. Ngumiti siya tsaka kinagat pa ang sariling labi. Ako ang nahihiya!



"Congrats, you did great." Bati sa amin ni Mrs. Viony.




"Maraming Salamat po." Nakangiting sabi namin.




Nang matapos ang presentation ay binungad kami ng papuri. Binati din ako ng mga kasamahan ko dahil sa pagiging magaling na namumuno. Sobrang sarap sa pakiramdam.



"Hoy gaga! Ang ganda 'nung presentation niyo!" Bungad sa akin ni Heliexia, napangiti naman ako.



"Iba talaga kapag may inspiration." Sabi ni Yullyz na kinalabit pa ang bewang ko, natawa naman ako.




"By the way andiyan na 'yung inspiration mo." Sabi ni Yhanna.



Awtomatiko akong napalingon kung saan siya nakatingin. Andoon nga si Yvez at kasama an kaibigan niyang madaldal. Uwian na ngayon kaya bukas na ang gate at maraming ng nagsisiuwian. Habang naglilibot siya ng tingin ay kumaway na 'ko. Nakita niya naman agad ako tsaka tinapik si Tristan at tinuro ang pwesto ko. Nang aasar pa si Tristan bago sila lumapit sa'min.



"Ang angas mo! 'Yung presentation niyo, nakikita ka na sa billboard!" Sabi ni Tristan na tinapik pa ang braso ko.




Napangiwi naman ako sa lakas ng pagkakahampas niya kaya napahilot ako sa brasong pinalo niya.




"Hoy be careful psh." Sabi ni Yvez na pinalo pa ang dibdib ni Tristan, hindi naman malakas. "By the way congrats." Sabi nito sa'kin, ngumiti naman ako tsaka tumango.




"Oh tingin tingin mo diyan?" Tanong ni Tristan habang nakataas ang kilay, si Heliexia ang kausap. "Type mo 'ko 'no!"




"Hoy! Ang kapal! Hindi 'no! Namumukhaan lang kita tsk." Pagtataray naman ni Heliexia.




"Mga linyahan ng mga nahuli na type sila." Sabi ni Tristan pero sa malayo ang tingin.




"Ang kapal ng face." Bulong naman ni Heliexia.




"Tama na 'yan! Baka kayo pa magkatuluyan." Sabi ni Yhanna, natatawa.




"Let's eat, treat ko." Sabi ni Yvez.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now