Chapter 1: Cassandra

5 2 0
                                    

"Cassandra."

(Cassandra's not a name, it's a story.)

"All Tiera Crest Students, proceed to the Grand Hall."

"All Tiera Crest Students, proceed to the Grand Hall."

They're at it, again.

"Sandra! Pinapatawag tayo ni Ms. Valerie!" Malakas na bungad ni Natalie matapos buksan ang pinto. Malakas ang nagawang ingay ng ginawa niya dahilan para marinig ko ang reklamo ni George.

"Quit patronizing those silver-spoon-fed royals Natalie. What is it this time? An inspection?" Masungit niyang tanong. Batid kong nakahiga parin ito. Iritado dahil nagambala ang pahinga.

"Headmistress parin si Ms. Valerie, George, kaya tara na. Malilintikan na naman tayo kay Boss Art net-"

"I'm a royal knight, not some juvenile amateur."

Yep, they're definitely at it again. Iiling-iling kong ngiwi.

"Estudyante! Estudyante ang tawag sa kanila, Georgina! Tsaka dati yon! Taga-linis ka nalang ng banyo ngayon!"

"Shut up! And don't Georgina me! Sila lang ang tinawag, besides, I'm tired."

"Don't English me rin! Hindi lang ikaw ang pagod! Sandra, tara! Kanina ka pa nakahiga diyan ba't ba hindi ka gumagalaw o sumasagot man la-"

Busted. Nakangisi akong yumuko.

"Oh hell no! Not again. Move you idiot! Look through the windows!"

Tahimik akong tumalon mula sa ikalawang palapag at mabilis na linakad ang sikretong daan palabas ng kastilyo.

"Naku! Patay na naman ako kay Lolo Isko! Cassandra! Under the bed-no! Sa loob ng cabinet-wala! Sa banyo-wala rin! Sa ceiling-no! Hindi siya gagamba!Nasa'n ka! My gosh, ayokong ipasok ulit sa East Chamber!" Tila nagwawalang atungal ni Natalie na malinaw kong naririnig kahit sa malayo.

"Not those pesky goblins again!"

"CASSANDRA!"

"I'll kill her!"

Iiling-iling kong pinakinggan ang mga boses nila habang naglalakad palabas ng kastilyo.

-

"Huhulaan ko, tumakas ka na naman."

Luxia.

She knew I was coming.

Nakatayo siya ilang hakbang mula sa lagusan kung saan ako nanggaling.

"Alam mong ngayon ang dating nila, pero mas pinili mo paring umalis at pumunta rito." Pasiring akong nag-iwas ng tingin at nilampasan siya.

The Royal Pact.

"Alam ko, ano naman ngayon? Whatever they do is none of my concern, Luxia."

For now, at least.

I've no association to the royals. Not anymore.

Hindi naman siguro kawalan kung hindi ako magpakita sa engrandeng pagsalubong na magaganap.

Not when I'm ousted.

Hindi ngayon ang oras para sa mga ganyan.

Not when I have other things to deal with. Muli, ay marahan kong ipinikit ang parehong mata matapos huminga ng malalim.

Mas kailangan kong magsanay.

Habang naka-upo sa ere ay dahan-dahan kong kinalma ang sarili. Kailangan kong i-sentro lahat ng enerhiya sa dibdib.

CASSANDRAWhere stories live. Discover now