“I see,” he said in a monotone.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. May nasabi ba ako? Bakit parang galit siya?

“You always include her in our conversation whenever you have a chance to,” he chuckled mockingly.

“Sorry po,” maliit ang boses na sabi ko, medyo kinakabahan na sa iritang naririnig sa boses niya. “Ayoko lang na may masama silang isipin sa atin.”

“Bakit? Are we doing bad things?” he asked coldly. “Are we violating the rule?”

“H-Hindi!”

“Then, why are you overthinking this?”

Kasi narinig ko ang usapan n’yo ni Carly!

“Did my manager say something?” tanong niya ulit bago pa ako makasagot. “You’re not being yourself after you talked to her.”

“Wala naman, Kobe.” I bowed my head.

He exhaled deeply. “Our schedule is tomorrow. I’ll just see you then.”

“Nainis ba kita? Sorry.” I pressed my lips together, regretting the words I said earlier. “Hindi ko na ulit babanggitin si Jennifer. Promise.”

“Suit yourself,” supladong sagot niya.

“Mag-re-reply na rin ako,” habol ko pa.

“No need.”

Sasagot pa sana ako nang magsalita siya ulit.

“I’ve got to go. Kuya Enzo will just send you the details for tomorrow.”

After saying that, he dropped the call. Dalawang minuto pa akong natulala roon. Did I just annoy Kobe? Ilang araw kaming walang communication, tapos nainis ko pa siya?

I groaned in frustration. Way to go, Dawn Karsen! Way to go!

“Huwag mo namang ipakitang masama ang timpla mo,” suway sa akin ni Ate Kat. “Nasa harap ka ng pagkain. Smile a bit. Kids are watching you.”

I forced a smile. Bahala na. Personal na lang akong hihingi ng tawad kay Kobe bukas. Nakakainis lang na hindi ko na alam kung sino sa kanila ng manager niya ang susundin ko. The first one told me to lie low while the other one suggested we go with the flow.  Bakit ba kasi hindi na lang sila magkasundo para isa lang ang iniisip ko? Hindi ba uso sa kanila ang mag-usap?!

“Karsen!”

Naputol ang pag-iisip ko nang may tumawag sa akin. I looked back and saw Marcus walking his way to me.

“Uy!” I greeted him. “Kanina ka pa rito?”

He shook his head. “Thirty minutes.”

Tumango ako. Kinuha niya sa akin ang pang-sandok at siya na mismo ang naglagay ng champorado sa container na i-se-serve namin mamaya sa mga bata.

“Ang ganda pala rito, ‘no?”

Ngumiti ako at tinulungan siya. “Yup. Maraming puno tapos malinis ang playground.”

“Dito ka lumaki, hindi ba?” Naramdaman ko ang pagsulyap niya sa akin.

“Oo... kami nina Ate Kat.” I placed a bowl in the tray. “Pero wala na akong kilalang bata. Kadalasan kasi sa mga naging ka-batch namin, kung hindi binalikan ng magulang, maagang na-adopt.”

I smiled at the sudden recollection. Habang ang lahat ng bata ay binibisita ng kapamilya nila, kaming apat ay nanatiling nanonood lang. We were often called losers by the kids our age. Kami lang naman kasi ang tuluyang inabanduna. Lucky for Mari, she met her father before we went out of the shelter.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Where stories live. Discover now