“Really?” nangingiting tanong ni Mari. “Nagdadalaga na pala.”

“Isang taon lang ang tanda n’yo sa akin.” I pouted.

“So, what? Bunso ka pa rin,” tawa niya.

Ibinaba ni Ate Kat ang kubyertos niya at itinutok ang mga mata sa akin. “Nililigawan ka, Karsen?”

“Hindi!” Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.

“Kung manliligaw siya ay dadaan pa rin siya sa amin. Wala akong pake kung gaano pa kasikat ‘yan.”

Tumawa si Mill. “Okay na fifty thousand sa akin.”

“Hindi naman ‘yon pupunta sa ligawan...” I chuckled awkwardly. “Hindi niya nga alam na narinig ko ang usapan nila ni Ms. Carly.”

“Sabagay. Being attracted to someone doesn’t mean you love them.” Mari shrugged. “Still, first step pa rin ‘yon, so you better be careful. I’m pretty sure he’s got a lot of experiences. ‘Wag kang masyadong magpapadala sa mga salita.”

“Talking based on experience ba?” pang-aasar ni Mill.

Mari made a face.

“Hindi ex mo ang topic dito,” banat pa ulit ni Mill.

Napangiti ako sa asaran nila. Millicent loves teasing people. Hindi yata mabubuo ang isang araw niya nang wala siyang naiinis. And today, the girly and goal-driven Mari was her target.

“Tama si Amari, Karsen. Kilalanin mong mabuti ‘yan. Don’t rely so much on your feelings,” si Ate Kat.

I nodded. “Masusunod po, master.”

The following day, right after class, we went to the shelter. I wore a comfortable outfit, a pink v-neck t-shirt and blue faded jeans. Pababa palang kami ng tricycle ay tumunog na ang cellphone ko.

My heart leaped with excitement when I saw who was calling me. Inignora ko ang sinasabi ng konsensya ko na huwag sagutin ang tawag. He might say something important! Baka tungkol sa susunod na date!

“Mari, una na kayo! Sasagutin ko lang ‘to!” I told her, pointing at my cellphone.

May malawak na garden sa harap ng shelter at dahil maganda ang panahon, humahampas ang hangin sa nakalugay kong buhok. Naupo ako sa isang bench doon bago ko sagutin ang tawag.

“Hi, Kobe!” I beamed.

“Are you busy?” His deep voice sounded like a serenade to my ears.

Tumingin ako sa maliit na gate kung saan pumapasok ngayon ang mga kasama ko. Ate Kat glanced at me and motioned me to come there quickly.

“Hindi naman... pero nasa shelter ako ngayon. May mag-do-donate kasi tapos sinabihan kaming mag-volunteer para mag-assist sa bisita.” Hinangin ulit ang buhok ko kaya inipon ko na iyon at inilagay sa kanang balikat ko. “Ikaw? Wala ka bang trabaho?”

“I have loads of work,” he muttered. “I’m just kind of wondering why aren’t you...” he trailed. “Responding to my messages.”

Sumandal ako sa bench. “Kailangan ba araw-araw tayong magkausap?”

“What?” I could imagine him raising his brow.

Ngumuso ako. Nagsusungit na naman siya.

“I mean, syempre busy ka. Ayoko namang makaabala. At saka... hindi yata magandang tingnan kung lagi tayong magkausap.” Napaisip ako. “Kayo ba ni Jennifer... uhm... nagkaka-chat kayo? Friend mo rin ba siya sa private account mo?”

“Why are you asking me those things?” Parang inis na siya.

“Dalawa kasi kaming pinagpipilian. Dalawa kaming kikilalanin mo,” I explained. Hindi puwedeng mapagalitan na naman ako ni Carly! His manager was scary!

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon