Ringggg...

Wala paring tao sa room? Bkt kaya?

"Oi bat dire-diretso ka, t4nga asa gym sila nag sasalita yung bagong may-ari ng school t4ng4 nito 'di kase binabasa announcement ng teacher sa gc eh tara na" kaya pala walang tao.

.

"Oi tingnan mo yung anak nung may-ari ng school natin yung nasa may upuan sa tapat ng flag, ang gwapo noh famous 'yan sa FaceNote matalino rin medyo introvert" eto talaga pag gwapo alam agad pero pag dating sa math ambobo.


Napatingin ako sa lalaki at napatingin din siya sa akin.

Takte nakakahiya.

Sana naman 'di ko 'yun kaklase.

.


Nagsibalikan na kami sa school at katabi ko parin ang maingay kong bestfriend


"Oi oi" para siyang bubuyog sa tabi.



"May bago raw tayong kaklase" dagdag niya pa.




"Okay class balik na kayo sa mga upuan ni'yo may a-announce ako" biglang pumasok yung laging late samin.

"Late ka na naman" sambit ng teacher namin.

Sabay ring pumasok sa room namin ung bagong transferee ung nakita namin sa room.

Nakasalamin siya yung parang salamin na may grado.

"Uhmm don ka sa katabi nung tulog bayaan mo na 'yan matigas ang ulo eh" lumalabas na si ma'am at nagsimula nang magklase.

.

Lumabas muna ako para magpahangin. Nagpunta ako sa may music room..


Lumapit ako sa piano at nagsimulang mag gamitin.


Napatigil ako dahil may narinig ako natumbang instrument sa tabi..


Lumapit ako at wala namang ibang tao.

Nabigla ako kase...


"Ay bestfriend andito ka lang pala tara na nagugutom na 'ko" hayst si princess lang pala.


Habang naglalakad kami napatigil ako kase may nakita akong poster sa tapat ng tindahan.

Wait?? Magcoconcert BEACH BUNNY dito?wahaaaaa.

"Oiiii princess lookk tara samahan mo 'ko, dali na hehe" nagpaawa ako ng mukha.


"Sige kelan ba 'yan, ahh free ako nan tagal pa pala isang buwan pa oh" sagot niya.


Pumasok na kami sa tindahan at nagorder ng paborito naming palabok yeeeyy ansarap.


"Oi mauuna na 'ko may dinner pa pala kami ng buong pamilya sigee byee" umalis na siya at naglakad ako pauwe.


Medyo nalungkot ako kase sana ganon din kami ng mga parents ko.


Sana may kapatid man lang ako.


Ang hirap kaya ng only child 'di man ako broken family pero 'di ko naman sila nakakasama araw araw.


Dumaan muna ako sa may shop para bumili ng poster ng beach bunny.


Oi parang maganda 'to.

Kukuhain ko na sana pero naunahan ako nung lalaking nakacap at nakamask.

Nabayaran niya agad kaya wala na kong nagawa.

Ansama naman sakin non.

Pumili nalang ako ng iba.


At naalala ko birthday pala ngayon ni lola.

Bumili ako ng cake at tsaka regalo.

Pag punta ko sa tapat ng gate ay may nakita akong box. Wala namang ibang tao sa paligid at may nakalagay na pangalan ko kaya't kinuha ko na.

Sa labas ko na binuksan baka regalo kay lola eh.

Nakita ko loob ay isang  regalo at nakasulat ang buong name ni lola kasama na rin yung poster ng beach bunny?? Kanino 'to galing? Bat alam pangalan ni lola? Hindi naman si mommy at si daddy kase nasa ibang bansa sila.

Pumasok na 'ko at binati si lola.

"Happy birthday lola sorry ngayon ko lang naalala" naluha si lola at yinapos ko siya.


Kumain na kami at nagtataka parin kung sino ang nagpadala.

Haystt 'di niya nalang sinabi.


Dinikit ko na yung poster at natulog na.

Ayy bumangon ulit ako at nagpatugtog.

_________________________________________________________________:)

JohnPaulSalamanca6
Ayan okay na ba 'yan.

Vote sa gustong magpadecate. HEHEHE sa friday siguro update or Monday ewan.

Beach Bunny Series: Prom queenWhere stories live. Discover now