"Sira ka talaga kahit kailan Mars"



"Oh eh bakit totoo naman ha?"



Napapatawa na lang ako dito kay Lianne. Bestfriend ko talaga siya kasi wala talaga akong maitago sa babaeng ito.



"Alam mo Mars, ikaw, kung di ka lang girlfriend diyan ni Kuya Greg, naku di na kita papapuntahin dito eh"



"Huh! Sorry ka na lang Mars, your Kuya fell for me" she smirked.







"Teka nasaan pala ang inaanak ko?"



Tamang-tama naman at sumilip na sina Mama and Dani.



"Tita Lianne!"



Agad naman tumakbo si Dani palapit kay Lianne na nakahanda na para kargahin ito.



"Mars, kailan ka pa naging ninang ng anak ko ha?"



"Basta cute na bata, inaanak ko na agad. Lalo na anak mo Mars"







"You're so pretty naman baby" pagbaling nito kay Dani sabay kiss naman sa pisngi nito. Sarap din kasing panggigilan talaga.











Niyakag ko naman itong saluhan na kami sa pagkain. Nagtext din daw kasi si Kuya Greg sa kanya na pauwi na at dito na lang sila magkita. Anniversary kasi nila kaya magcecelebrate daw sila mamaya. Sana all may anniversary diba?







Mga ilang minuto na rin after naming matapos kumain ay narinig ko na ang sasakyan ni Kuya.



"Babe!"



Pagkababa na pagkababa pa lang ni Kuya sa sasakyan niya ay sinalubong agad siya ng yakap ni Lianne.



Maya-maya pa ay napansin niyang nasa likod lang ako nila. Tumikhim siya.



"Ehem Mars. Wag masyadong mainggit"



"Grabe ka talaga sa akin Mars"



"Nung dati ako thumithird wheel sa inyo, now it's your turn"



"Ah ganun ha. Kuya, si Lianne oh" pagbaling ko kay Kuya.



"Ay sus nagsumbong na ang bunso namin. Pero tama naman ang bestfriend mo bunso"



Nakakainis. Nagkampihan na talaga sila, "Kainis ka Kuya. Ako lang original baby mo kaya. Hmppp" sabay talikod sa kanila at pumasok.





But all was just a joke.













Kinabukasan, agad inischedule ang mediacon ng pagbibidahan ko. I mean namin ni Ken.





Before the said mediacon, marami nang bashers ang nagkalat sa twitter and facebook. Well, expected ko na rin naman since sila nga ni Bettina ang current loveteam. Kung ang mga RitKen fans ay nagdidiwang ngayon, kabaliktaran naman sa kabilang fandom.



"Sino nga palang magbabantay kay Dani if magstart na yung lock-in taping natin?" tanong ni Ken while we are here sa holding area just before the mediacon.



"Andyan naman sina Mama at si Trish pati sina Kuya" pagsagot ko while finishing my make-up.



"Look maganda ka na. You don't have to put that pa"



Filming LoveWhere stories live. Discover now