"Congrats Mark and Ellami hahah, dalaga kana ellami hahah" pangangantyaw ko naman kay ella inirapan niya lang ako pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kasiyahan.

"Salamat sainyong lahat , opo naman ate coleen hindi ko siya sasaktan don't worry" paninigurado ni mark sabay taas pa ng kanyang kamay na nangangahulugang nangangako siya.

"O siya magsikain na tayong lahat sapagkat nagugutom na din kami , right baby?" Sabi naman ni abby at napaakbay kay sela , tumango naman na ang lahat at nagtungo na kami sa may lamesa upang kumain.

Madaming nakahandang pagkain dito ngayon , as usual magkakatabi na ang mag ko couple ngayon at masaya lang kaming ngakukuwentuhan.

"O siya nga pala kayong apat? Anong balak niyo? Mag iistay pa din ba kayo as an idol?" Tanong ko sa kanilang apat, masaya maging idol pero sa tingin ko need na din isipin yung buhay nila sa labas ng idol industry.

"Yeah mag iistay pa din kami sa grupo Lara , kami na muna ang bahalang mag comfort sa mga fans! Grabe last 2 years ago ikaw ang umalis at ngayon si ella naman, yung iba nga ay hindi pa din nakakamove on sa pag alis mo kaya nais muna naming mag stay na apat" sagot naman ni abby, hanggang ngayon nga ay nakakatanggap pa din ako ng message na bumalik na daw ako sa Winkle Pop which is hindi na maaari sapagkat ako ay na terminate at tsaka wala na din akong balak sapagkat masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama si brei.

"Ah ganun ba? Akala ko ba ikaw na magtitake over ng company niyo batas? Kung sakali magiging ka partnership kita sa company" nabanggit kasi ng daddy niya sa akin na si abby na ang mag ti take over ng kumpanya nila this year pero mahihirapan siya nun kapag nag stay pa siya as an idol.

"Oo next year i guess , si abea na muna bahala doon, siya nga pala mga outing tayo bukas? Camping and Hiking? Sino g?" Suhestyon naman niya napatingin naman ang lahat sa kanya with an exciting face.

"Omg g kami dyan ate abby! Kayo ba guyz?! Arat na minsan lang tayo magliwaliw!" Sabi naman ni coleen tumango nalang ako, sabagay this outing will gave us a peace of mind na din at tsaka maglibang libang ng unti.

"Oo naman gora na ang lahat niyan? Anong bundok ba ang aakyatin natin ah? Need pa natin bumili ng tent at hiking materials para doon" sabi naman ni brei sa may tabi ko ngayon , madami dami pa ang dapat naming bilhin at need na magplano talaga.

"Bundok arayat? Maganda daw ang view don at tsaka sobrang worth it pag nakatungtong na tayo sa may tuktok ng bundok" masayang kwento ni abby sa amin, this will be my first time na mag ha hike sana kayanin ng mga binti ko.

"So we'll buy materials na agad bukas?! Para sa ganun ay next day na tayo kaagad aakyat , mag take nalang kayo ng leave , sheki at brei , kayo naman jaydee at frances makakasama naman kayo no? Kahit may pasok kayong dalawa?" Tanong naman ni sela kila frances at jaydee na sobrang magkadikit ngayon kala mo pinagdikit gamit ang glue eh.

"Opo naman ate sela, makakasama po kami , hindi naman makakasama sa grado namin yung isang araw lang na absent" sabi naman ni frances napangiti nalang si sela dahil doon sapagkat kompleto kami.

Fast forward natapos na kaming kumain at sila jaydee at frances ang naghugas ng pinggan habang kami ay nakaupo lang sa may sofa ,. Maya maya ay natapos na silang maghugas at nag aayos na ng mga gamit upang umuwi na sapagkat anong oras na din i think its 11pm na.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now