Sino naman?



Napalingon ako ng makita si Tristan at Kuya Luxzell na pumasok kasunod si Kuya at Yvez. Natural ang ngiti nila habang nagbubulungan, para bang nagkakasundo sila. Nakahinga ako ng maluwag.




"Hey Jichelle, congrats." Sabi ni Kuya Luxzell.



Ngumiti naman ako. "Salamat po."



"Po? Nakakatanda naman masyado." Natawa si Kuya Luxzell kaya natawa din sila. "Hi tita, tito. Congrats sa anak niyo." Sabi nito.



Alam kong medyo malapit sila dahil nga kay tito Lucas.



"Thank you. Congrats din sa'yo." Bati naman ni Papa.




"Hi Jichelle! Congrats! Napakagaling mo talaga hay naku ka!" Madaldal na sabi ni Tristan na nakipagkamay pa sa'kin, natawa naman ako. Tsaka siya bumaling kay mama at papa." Hi tita, tito." Bati niya sa magulang ko na nakilagkamay pa, baliw. "Si Yvez po kilala niyo?" Pambubuyo nito kay Yvez kaya napakunot agad ang noo ni Yvez na ikinatawa ni 'nay Sally at Tito pati na din ni Kuya Luxzell, ako ang kinakabahan. "Tita, tito gusto ko lang po ipakilala si Yvez. Alvarez din po siya, kaapelyido ni tito Primo." Madaldal na sabi nito na tinuro pa si tito, natawa nanaman si tito.




"A-Ahh oo kilala na namin siya." Natatawang sabi ni Papa.



"Mabuti naman po." Nakangiting sabi ni Tristan, siniko naman siya ni Yvez. "Kakain na ba? Nagugutom na 'ko e."



Natawa naman sina Papa at Mama kaya sinenyas na kumain na kami. Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan ang mga reaksyon nila. Kinakabahan kasi ako na baka may magbukas ng topic tungkol sa pagitan namin ni Yvez. Wala namang namamagitan, ibig kong sabihin na baka magkwento sila na nagsasama kami ni Yvez. Syempre mapapaisip sina Mama at Papa.



Nang matapos kaming kumain ay nakipagharutan ang mga kaibigan ko kay Kuya habang nag uusap naman sina tito at 'nay Sally.




"Pwede bang makausap namin kayong dalawa." Napalingon ako kay Papa ng kami ni Yvez ang kausap niya.



Nagsalubong ang tingin namin ni Yvez at sabay ding tumango. Dumaungdong ang kaba ko dahil kaming apat lang ang nasa sala. Nasa kwarto sina Kuya habang nasa kusina sina 'nay Sally.



"Didiretsuhin ko na ah." Kinakabahan ako sa tono ni Papa. "May gusto ka ba sa anak ko iho?"



Napatingin sa akin si Yvez pero ako ang umiwas ng tingin. "O-Opo." Sagot nito, napalunok ako at kinagat ang sariling labi.



"At alam mong bata pa si Jiwell hindi ba?" Nakangiting tanong ni Papa, tumango naman si Yvez na halata ding kinakabahan na kinagat ulit ang labi. "Nanliligaw ka ba sa anak namin?"


Umiling naman agad si Yvez. "A-Actually Sir, I want to court her but I-I know she's not ready yet."



Tumango naman si Papa. "Kaya mo namang maghintay hindi ba?" Napatingin ako kay Papa, natural ang ngiti nito.



"O-Ofcourse sir." Sagot naman ni Yvez.



"Hintayin mo siyang mag 18, papayagan kitang ligawan ang anak ko. Sa ngayon ay hayaan mo muna siyang mag aral at ganu'n ka din."



"I will sir." Sabi ni Yvez na yumuko pa.



"Pwede kang pumunta ng bahay sa Bicol sa bakasyon." Nakangiting sabi ni Papa kaya nanlaki ang mata ko.



"Thank you sir." Sabi ni Yvez.


Nang matapos ang usapang 'yun ay iniwan kami ni Papa at nagpaalam na pupunta kay Tito. Naiwan si Mama at nakangiting nakatingin sa'min.



"Gusto mo si Yvez anak?" Tanong ni Mama na ikinalik ng mata ko.



Napatingin din ako kay Yvez at naghihintay ito ng sagot. Ano ba dapat ang isagot ko? Hindi ko naman masabing gusto ko pero hindi ko din masabing hindi ko gusto. Ano ba talaga?




"M-Ma naman!" Pag iiba ko.



"Okay lang naman sa'kin tsaka tama 'yung sinabi ng Papa mo. Matalino naman ang mga Alvarez kaya alam kong naiintindihan niya. Hindi ba?" Tanong nito kay Yvez, ngumiti naman si Yvez at tumango. Humarap naman si Mama sa'kin. "Ang tanong ko, gusto mo ba si Yvez?"



Napatingin ako kay Yvez, nakayuko lang ito habang nilalaro ang daliri. "G-Gusto." Sagot ko na ikinalingon ni Yvez.



"Oo halata naman. Sige na at maiwan ko na kayo." Sabi ni Mama tsaka naglakad palayo.



Naiwan kami ni Yvez sa sala. Hindi niya na yata naalis ang tingin sa'kin kanina pa.


"Kinabahan ako sa Papa mo." 'Yun ang unang lumabas sa bibig niya habang natatawa pa.



"S-Sorry." Sabi ko na nakagat pa ang daliri.



"Ang akala ko bubugbuhin na 'ko. Wala pa nga e, hindi pa nga tayo." Natatawa talaga siya. "Ang nasa isip ko kanina e kapag binugbog ako, tatakbo ako kay tito Primo."



Natawa naman ako sa sinabi niya. Nakakatawa talaga kasi ang reaksyon niya.


"By the way, punta ka ng bahay next week. Recognition din namin kaya sana makapunta ka." Sabi niya, ngumiti naman ako at tumango. "Let's go outside. Hindi sapat 'yung hangin dito dahil sa sinabi ng Papa mo." Natatawa siya tsaka hinila ako palabas.



Nagpahila naman ako at natawa dahil hindi pa din siya nakakamove on sa presensiya ni Papa kanina.



"Ilang taon ka na nga?" Tanong ko habang sinilip ang mukha niya.



Hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng gate.



"I'm 17, mag e 18 ako sa May." Sagot niya.



Nanlaki ang mata ko. "May din ang birthday mo? Parehas tayo!" Naexcite ako tsh.



"Really?" Nakangiting sabi niya. "15 ka pa lang diba?" Tanong niya, tumango naman ako. "How long psh." Bulong niya pero narinig ko, tumango naman ako.



"Hintayin mo 'kong mag18." Natatawang sabi ko habang ginagalaw ang kamay niya.




Nararamdaman ko kung gaano kalambot ang kamay niya. First time ko yatang hindi mailang sa hawak niya palibhasa ay nakilala na siya ng magulang ko.



"I will." Sagot niya.



Napatitig naman ako sa kaniya. Hutangena, lalo yata siyang gumwapo sa malapitan. Kitang kita ko kung gaano kapula 'yungabi niya dahil sa kakagat kanina habang kinakausap ni Papa.



"May tanong ako." Sabi niya.



"Ano 'yun?"



Dinilaan niya muna ang labi niya tsaka ngumiti, napatingin ako sa labi niya tsaka napalunok.



"May first kiss ka na ba?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.



Kiss?




"W-Wala! Wala nga akong naging boyfriend paano ako magkakafirst ki-"



Naputol ang sinabi ko ng bigla niya 'kong halikan. Naramdaman ko 'yung lambot ng labi niya. Dampi lang 'yun kaya 'nung lumayo siya ay napatingin ako sa labi niya tsaka tumaas sa mata.



"So mayroon ka ng first kiss ngayon at ako 'yun." Nakangising sabi niya tsaka muli akong hinalikan, matagal na sa kaninang halik.

________________________________________________________________________________________________

Edi sanaol may first kiss na! -,-

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now