I'm with my girl.




Parang namula ako sa sinabi niya kaya agad akong napaiwas ng tingin. Hutangena malala na 'to. Kinikilig na 'ko tsh. Umayos ka Jiwell patay ka sa papa mo!



Nang makarating kami ng bahay ay nanlaki ang mata ko ng makita na naroon si Papa at Mama pati si Kuya na naghahanda ng pagkain.



"M-Ma?" Sa sobrang excite ko ay patakbo akong lumapit at niyakap siya.




Pati si Papa at Kuya ay niyakap ko din.




"Congrats anak." Bati ni Papa na hinalikan pa ako sa pisngi.




"Wow paganda ka ng paganda ah! May manliligaw na ba?" Tanong ni Kuya dahilan para mapalingon ako kay Yvez.



"Come in Yvez." Sabi ni tito kay Yvez.



Nahiya namang tumuloy si Yvez at yumuko sa magulang ko.



"N-Nice to meet you Ma'am, Sir." Bati nito sa mga magulang ko.



Napatingin ako sa reaksyon ni Mama at Papa pero natural ang ngiti nito, nakahinga ako ng maluwag.



"M-Magbibihis muna po ako." Pagpapaalam ko sa kanila tsaka patakbong pumunta ng kwarto.



Ohmygash! Ohmygash! Ohmygash! Hooooo! Narito sina Mama at Papa, narito din si Yvez. Hutangena kalma Jiwell!



Nagmadali akong naligo at nagbihis. Nagsuot lang ako ng maong na short at oversize tshirt na kulay grey. Nagsuklay tsaka lumabas ng kwarto.




"Hoy gaga! Namiss ka ni Yhanna Legit!" Narinig ko ang boses ni Heliexia, narito din sila?



Huminga muna ako ng malalim bago hinarap sila. Nagsalubong ang tingin namin ni Yvez na tinignan ang suot ko at nang makita ang suot kong short ay umiwas ng tingin at nagbuntong hininga. Napanguso akong lumapit kina Heliexia, katabi niya si Yvez habang nasa kabila ay si Kuya.




"Magpalaki muna kayo." Natatawang sabi ni Kuya kay Yhanna.


"Malaki na 'ko." Napairap si Yhanna sa sinabi ni Kuya kaya natawa ako.



Napalunok ako ng hilain ako ni Yvez kaya napaupo ako sa tabi niya. "Why did you wear like that? It's to much short!" Bulong ni Yvez habang nakakunot ang noo.



"Saan ka nakakita ng short na mahaba?" Namimilosopong sabi ko habang tumatawa.


Hindi niya 'ko sinagot ay kunot noo lang akong tinignan.



"Kayo na ba?" Tanong ni Heliexia dahilan para mapalingon kami sa kaniya.



Awtomatiko akong napalingon kay Kuya pero nakangiti ito at halatang naghihintay ng sagot galing sa'kin. Napalunok akong napatingin kay Yvez pero nakangiti lang ito at nagkibit balikat.



"H-Hindi ah!" Depensa ko kaagad.



"Bakit nauutal ka?" Pang aasar ni Kuya.



"H-Hindi naman talaga kasi." Napanguso akong nag iwas ng tingin.



"Halika na kayo at kumain." Yaya ni 'nay Sally.



Nagtayuan naman agad ang kaibigan ko kaya tumayo na din ako. Napalingon ako ng hindi sumunod si Kuya at Yvez. Kinakabahan ako dahil baka pag initan ni Kuya si Yvez!




Nang maupo ako ay palingon lingon ako sa sala pero hindi pa sila pumapasok.



"May pupunta pa dito kaya hintay hintay tayo saglit." Nakangiting sabi ni tito.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon