Halos madepress ako kakaisip kung ano ang ireregalo ko. Mayaman si Ate Axie at alam kong lahat ng mabibili ko dito ay kaya niyang bilhin ng doble o triple. Ito ang mahirap sa mayaman, hindi malaman kung ano ang ireregalo.



Sa huli ay napagdesisyunan ko na lang na bumili ng sapatos. Alam ko kasing mahilig si Ate Axie doon kaya 'yun na lang. Isang libo 'to at nanghinayang pa ako dahil malaki na sa'kin 'yun pero ayaw ko din namang maliitin 'yung regalo ko. Alam kong mahilig siya sa sapatos na kulay puti dahil nakikita ko siyang ganu'n ang karaniwang suot. Hindi ko alam kung kasiya 'to sa kaniya pero sa tingin ko ay oo naman.




Namili din ako ng damit na susuutin ko at napili ko 'yung kulay puting may mga itim na disenyo. Hindi 'yun polka dots, para bang nagkalat na tinta sa damit ang disenyo. Maganda at sa tingin ko ayos naman na 'to. Medyo fit sa'kin pero ayos na.




"Oy pre andiyan na si Jichelle."



Nailang akong tumingin sa kanila. Kakapasok ko lang sa bahay nina tito Primo at bumungad agad sa akin ang madaming tao. Buti ay abala sila sa pakikipagkwentuhan habang ang iba ay napalingon sa akin kaya naiilang ako. Nasa garden ang party kaya presko.



Nakita kong nakaupo si Ate Axie sa harap. Ang ganda niya.



"Yskaela, join us." Rinig kong sabi ni Yvez.



Napalingon ako sa kaniya at papalapit na siya sa'kin. "A-Ah 'wag na. Nakakahiya sa mga kasama mo."



Natawa naman siya na para bang biro ang sinabi ko. "It's okay with them. Actually they told me to please you to join us."



Bakit ba english siya ng english? Ako nahihirapan e.

Napatango na lang ako dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako uupo e wala naman akong close dito. Nasa loob si 'nay Sally at tumutulong sa pagluto. Nagsalubong ang tingin naman ni tito Primo, nagngitian kami at nagtanguan.




Kumuha ng upuan si Yvez at tinabi sa upuan niya. Nailang naman akong umupo at salubungin ang tingin ng bawat isa.



"Girlfriend mo tol? Pakilala mo sa'min." Sabi 'nung isa na tinapik pa si Yvez, hindi ko kilala kung sino.


"Hindi pa daw! Kalma lang kayo." Sabi ni Tristan na kinindatan pa ako.

Paniguradong alam ni Tristan e close'tong dalawang 'to e. Tumawa lang si Yvez na naramdaman ko ang pagpatong ng braso niya sa upuan ko. Napalingon ako sa batang lalaki na kandong ni Luxzell. Nakangiti ito sa'kin at kinawayan ako. Napangiti naman ako kaya kinawayan ko din. Ang cute niya! Napalingon din sa akin si Luxzell at nginitian ako bago niya inabutan ng buko jiuce ang bata.


He is Wayan Axzell Alvarez Jeon" pagpapakilala ni tito Primo sa batang karga ni Luxzell kaya napalingon din ako, ngumiti naman si Wayan kay tito na lumapit pa kay tito. Wayan, magandang pangalan. "Kung nagtataka kayo kung bakit Alvarez Jeon,sorry to say but this is not the son of Luxzell and Axquecia" natatawang sabi ni tito. "This child is adopted by my daughter and Luxzell,this kid treat Lux and Axie as his parents kaya naririnig niyong tinatawag niya itong Mama and Papa" sabi ni tito, napalingon naman ako sa batang karga ni tito. "And sa mga nagtatanong kung mayroong relasyon si Axie at Lux,mas mabuti pang sila na lang ang tanungin niyo" natatawang sabi ni tito,nakangiti akong napalingon kay Luxzell pero nakangiti din ito tsaka iiling iling. "Enjoy everyone and eat more" nakangiting sabi ni tito.


"Pwede din po ba akong kumain ng malaming malami?" rinig sa microphone ang boses ni Wayan dahilan para magtawanan ang mga bisita dahil sa pagkabulol nito sa R, kahit ako ay napangiti.

SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now