Cam 011: Lovechild

Start from the beginning
                                    



And then, the storycon commenced.



In the story, we will be husband and wife pero eventually, her condition will slowly get her from me. Masaki ang kwento pero at the same time, excited ako dahil si Rita naman ang bibida now. Sobrang hinihiling ko noon na si Rita naman sana ang mabigyan ng mga challenging na roles because I really know how good she is pagdating sa craft niya.



"Congratulations Ta" pagbati ko pagkasalubong ko sa kanya sa pintuan after ng storycon namin.



"Congratulations din sayo. Sana di magselos yung girlfriend mo kasi medyo intimate daw yung scenes sabi ni Direk diba?"



Medyo nagulat ako. Hanggang ngayon yun pa rin ang pinapaniwalaan niya.



"Hindi naman yun magseselos"



"Wag kamo siyang mag-alala. I'll make sure na hanggang trabaho lang tayo. I know kung anong feeling na may ibang ka-intimate scenes ang boyfriend mo."



Mula noon pa man ay may strong personality na talaga itong si Rita pero these recent days, para mas lalo yata itong tumatapang.





"Ingat ka sa pag-uwi. Susunduin ka ba ni Brent?" pilit kong tanong kahit na papalabas na siya ng building and as expected, hindi na nga niya ako narinig. "Babye. See you sa mediacon!" pahabol ko pa.





Nakakalayo na si Rita when I decided na itext na rin si Kuya Arman para makauwi na rin.




I was about to take a step when I saw Direk Luis going out of the hall. As soon as I noticed him eh napansin din naman pala niya ako.

Filming LoveWhere stories live. Discover now