Chapter 1 ( Unexpected Tragedy )

7 1 0
                                    

                Melissa POV


Kasalukuyan akong nasa kwarto habang binabantayan ang anak ko. Pakiramdam ko ito na ang huling araw na makakasama ko siya kaya  gusto ko itong bantayan. Abala ako sa paghihili dito ng makarinig ako ng isang katok. Dahilan para mapalingon ako sa pinto.

" Pasok "saad ko dito.

" Lissa ija kailangan niyo ng makatakas dito "hinihingal na wika ni manang sa akin.

" Huh? bakit naman manang? At bakit hinihingal ka? "tanong ko dito na nagtataka sa nangyayari dito.

" Ija may gustong pumatay sa inyo ng anak mo. Kaya magmadali na kayo. Umalis ka na dito at dalhin mo ang anak mo delikado ang lagay niyo dito "saad nito sa akin na natataranta na.

" Pero di ko kayo kayang iwan. Sumama na kayo sa akin " nag aalala na wika ko.

" Anak ako na ang bahala dito ang importanti maging ligtas kayo ng anak mo " tugon nito sa akin.

" Manang" tawag ko dito.

" Lissa mangako ka sa akin na sa oras na makalabas ka na dito wag ka ng bumalik o lilingon pa " habilin nito sa akin.

" Manang, salamat po "wika ko dito.

" Sige na tulungan na kita diyan "suggest nito sa akin.

Agad naman kami dumaan sa secret passage nang mansion. Agad na akong naglakad palayo doon habang nakikita di manang na kumakaway sa akin. Ngunit bago pa ako makalayo ng marinig ko ang malakas na pagputok ng baril. Napahagulhol na lang ako alam ko na maaring wala na si manang Rosa. Patawad.

Agad naman akong nakarating sa isang mansion na alam ko na ligtas ako. Agad na akong kumatok dito habang karga ang anak ko.

" Best anong ginagawa mo dito at bakit hinihingal ka? "takang tanong ni best sa akin.

" Mich tulungan mo ako may gustong pumatay sa amin "wika ko dito.

" Ano? lika pasok ka "aya nito sa akin  " Kilala mo ba ang gustong gumawa sa inyo nito? "tanong nito habang inaalalayan ako papasok.

" Hindi eh, yun lang ang alam ko "wika ko habang napapailing.

" Naku Lissa delikado ang buhay niyo lalo na ang inaanak ko. Tumawag na ba kayo sa pulis? Eh ang asawa mo? "tanong nito sa akin.

" Hindi pa. Mich pwede ba akong humingi ng favor sa iyo? "tanong ko dito.

" Oo naman ano yun? "saad nito sa akin.

" Pwede mo bang alagaan ang anak ko "wika ko dito.

" Huh? bakit naman? Diba kasama lang ki- " hindi ko naman ito pinatapos magsalita.

" Mich kailangan kung balikan si manang doon At ang asawa ko. Paano kung nakauwi na pala siya? Baka pati siya mapahamak. Please sana ito lang ang huling favor ko sayo " nagmamakaawa na wika ko dito.

" Lissa kaya kung alagaan ang inaanak ko. Ngunit kailangan din kita sa pagpapalaki sa kaniya" wika nito sa akin.

" Mich please babalik ako kaagad. Pupuntahan ko lang ang asawa ko "wika ko dito habang karga ang anak ko.

" Ok, ay wait anong pangalan niya? " tanong nito.

" Mich kung sakali man na di na ako makabalik. Nais kung ituring mo siyang tunay mong anak. At lagi mo ring iparamdam sa kaniya ang pagmamahal namin sa kaniya ng kaniyang ama. Di ko man siya masilayan sa paglaki lagi ko siyang babantayan. Kung sumapit man ang ikawalong kaarawan niya nais kung ibigay mo itong kwentas sa kaniya. Ito lang ang nag papatunay na isa siyang Miller. Ang pangalan niya ay Sofia Marie Miller. Pero ikaw na ang bahala kung anong ipapangalan sa kaniya. Basta ang mahalaga nasa dugo niya ang pagiging isang Miller "wika ko dito habang nakatingin sa anak ko.

 " The Billionaire Long Lost Heiress " Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon