Chapter 27.6 - I THINK I HATE HIM

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo. Kaya umalis na kayo! Hindi ako nanghingi na kahit magkano sa inyo para mapatayo to, kaya wala kayong karapatan sirain to!"

"Bakit kanino ba pera ang ginamit mo? Yung perang minana mo sa namatay mong lolo diba? Lolo mo na tatay ko. Ibig sabihin may karapatan ako dito at kahit sirain ko to wala kang magagawa. Gibain na ang buong tindahan na to!"

"Wag po!" sigaw ko naman. Hindi ko na kasi kaya ang nakikita ko. Alam kong nahihirapan na rin si Nick.

"Sino ka?"

"Anung ginagawa mo dito?" tanong sa akin ni Nick

Lumapit naman ako sa kanila kahit na medyo kinakabahan ako. "Ako po si Carse, kaibigan ko po si Nick."

"Kaibigan mo ang lalaking to? Basagulero yan at kahit kailan hindi yan nagkaroon ng kaibigang matino kaya wag mo sabihing hindi ka rin matino?" grabe naman tong tatay ni Nick mapanghusga naman masyado

"Hindi po porket basagulero si Nick ay hindi na siya matino. Ako po ay kaibigan niya at academic tutor po."

"Academic tutor? Oh I heard about you. Yung mga babaeng inaassign maging tutor ng mga walang kwentang gangsters."

"Umalis ka na dito." sabi ni Nick

Hindi ko siya pinakinggan sa halip kinausap ko ulit ang tatay niya

"Gusto ko pong malaman niyo na napakagaling na musician ng anak niyo. Halos lahat ng instruments na nakikita niyo sa loob ng store na to ay kayang kaya niyang tugtugin. Hindi po basta basta instruments lang ang tingin niya sa mga to, importante po sa kanya ang bawat isa sa mga yan, minamahal niya yan ng sobra. Minamahal niya ang music at instruments niya, dyan lang po siya masaya. Kaya sana po wag niyo naman pong sirain ang mga bagay na nagpapasaya sa anak niyo."

Hindi naman na nakapagsalita ang tatay niya. Ako naman, hindi ako makapaniwala na nasabi ko yun.

"Bakit ka ba nakikialam dito?! sino ka ba ha sa tingin mo?! umalis ka na!" sigaw sa akin ni Nick

Grabe lang, nagulat ako sa lakas ng sigaw niya na yun. Hindi ko akalain na masisigawan niya ako ng ganun kalakas. Ganyan ba pag nagkakagusto ang lalaki sa babae? sinabihan niya pa ako na sino ba daw ako at bakit ako nakikialam?

Ewan pero di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa sinabi niya.

"Anung iniiyak iyak mo?! Umalis ka na sa harapan ko! Ang ayoko sa lahat ay mga babaeng gaya mo! Mga mainggay at pakialamera!" sigaw niya ulit sa akin

Hindi ko na kinaya, kaya naman tumakbo na ako palabas. Bakit siya ganun?

Naglalakad ako sa kalye habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala na nasigawan niya ako ng ganun. Gusto ko siya, wala na akong duda dun, pero bakit ganun? bakit parang hindi naman niya ako gusto gaya ng sinabi niya?

*beep beep* busina ng kotse

Napatingin naman ako kung sino yun.

"Pasok ka iha. Magusap tayo." yung tatay pala ni Nick

Pumasok naman ako sa kotse at pinaandar na yun ng driver niya.

"Punasan mo yang luha mo. Pasyensya ka na sa naging kilos ko kanina pati na rin sa inasta ng anak ko."

"Ayos lang po yun. Wag niyo na po akong intindihin." sabi ko sabay punas ng luha ko

"Ngayon ko lang nakita na may taong nagtanggol para sa anak ko. Maliban sa mga lalaking kasama niya. Marahil gusto mo nga talaga siya."

"Po?"

Nakita kong ngumiti ang tatay niya "Hindi ko na ipapagiba ang store niya. Napamukha mo kasi sa akin na napaka walang kwenta kong tatay sa kanya."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon