Chapter 27.2 - NOSE TO NOSE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga, grabe ha, nashock talaga ako." sabi naman ni Lhei

"Hindi naman naghalikan eh, O.A niyo." sagot naman ni Daryll

Napatingin naman ako kay Daryll na nasa likuran ng pwesto namin.

"Mukha kasing hinalikan niya talaga." sabi naman ni Mille

"Gusto mo ba siya Micah?" tanong naman ni Carse. Hayy nako naman! Hindi ko dapat ginawa yun. >__<

"Hindi nga hinalikan ni Micah yung Cliff na yun. Hindi man tumama eh. Nakipag nose to nose lang siya." sabi ni Daryll. Kaloka! Yan pa talaga ang sinabi. >___<

"Nose to nose? Haha ang sweet!" sabi ni Nick

Tumingin ako ng masama kay Daryll.

"Oh bakit? Ikaw naman kasi anu ba naisipan mo at nakipag nose to nose ka? Haha Kalerky ha." sabi ni Daryll with matching tawa, nakisabay na rin sa tawanan ang lahat except Ash, buti pa si Ash hindi tumawa (_ _ )

***

CLIFF's POV

Ano ba ang naisipan ng babaeng yun? Akala ko naman hahalikan na ako, yun pala ididikit lang ang ilong niya sa ilong. Ang lakas ng trip niya. >_< Muntik na akong mapapikit, akala ko talaga hahalik na, okay lang naman sa akin kaso ganun lang. Teka! Bakit ko sinabing okay lang sa akin? Hindi ako basta basta nakikipaghalikan sa kung sinong babae lang, humahalik lang ako sa babaeng mahal ko. Pero hinalikan ko siya sa noo kahapon? tss. >__<

Lumabas ako dahil nainis nga ako sa pambitin na ginawa niya. Bakit ba bitin? Busit naman talaga!

Teka nga, parang si. . .

"Cliff, oh bakit nasa labas ka?" tanong niya sa akin, si Micah, Micah Michelle ang ex girlfriend ko

"Anung ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya, nakasuot din siya ng school uniform namin, ibig sabihin

"Dito na ako magaaral."

"December na. Tumatanggap pa rin sila ng transferree?"

"Power of money my dear." lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat

"Anung ginagawa mo?"

"You know what, I saw you kissing your new girlfriend. Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin?" inilalapit niya pa ang mukha niya habang sinasabi yun, ibig sabihin nakita niya yun? o kaya naman ginawa yun ni Micah kanina para hindi ko makita ang ex ko?

"Lumabas ka lang pala para makipaghalikan, sana sinabi mo man lang sa akin para di na kita sinundan." tumingin naman kami sa likuran at si Micah yung nagsalita niyan

"Oh your girlfriend is here. Hi Misty." lumayo naman ako sa ex ko, buti dumating tong si Micah

"Misty? Ah yeah, hi to you Micah." with emphasis sa pagsabi niya ng Micah, oo nga pala Misty yung pagpapakilala ko sa kanya

"Hinihiram ko lang naman tong ex boyfriend ko."

"Na boyfriend ko na ngayon." lumapit sa akin si Micah at humawak sa braso ko

"Oh I see. Hindi ba pwedeng hiramin saglit ang boyfriend mo?"

"Hindi. Madamot kasi ako. Ang akin ay akin lang. Diba Cliff?" sabay tingin niya sa akin na parang sinasabi niya na magsalita ako, hinigpitan niya pa yung kapit niya sa braso ko

"Ah y-yeah."

"Really? Sayang naman."

"Sayang ba? e diba may boyfriend ka? bakit hindi kaya siya ang puntahan mo? Tara na nga Cliff." hinila niya na ako, sa lakas ng hila niya syempre naman napasunod ako. Hindi na ako nakapagsalita ng mapagitna ako sa usapan nila, ang intense naman kasi nila magusap. Hindi na kailangang icapslock pa para maging intense dahil intense na intense na talaga.

Nang makalayo na kami sa ex ko, binitawan niya bigla ang braso ko at naglakad na palayo sa akin.

"Sa susunod na makikipagflirt ka dyan sa ex mo, sabihan mo ko para di ko kayo maistorbo." ang tigas ng pagkakasabi niya niyan. Napano siya?

Hinabol ko siya at nang maabutan ko siya agad ko hinawakan ang kamay niya. Ewan, bigla nalang akong napahawak sa kamay niya.

"Sandali."

"Oh bakit?"

"Bakit ka ba nagtataray? Ako nga dapat ang mainis dahil sa ginawa mo."

"Ginawa ko? Ang pagistorbo sa inyo? Sorry ha!"

"Hindi. Ang pagdikit ng ilong mo sa ilong ko."

"Huh?" bigla naman siyang namula nang mabanggit ko yun

"Oh ano? Alam mo bang ayaw ko na--"

"Basta basta humahalik kung kahit kanino. Alam ko na yan sinabi na sa akin ni Max kanina, pero hindi naman kita hinalikan kaya wag kang umarte dyan na parang napagsamatalahan ka noh. Ako pa nga itong dapat pasalamatan mo."

"Thank you."

"Ano?"

"Sabi ko, thank you. Alam ko ng ginawa mo yun para maiwasan na makita ko siya."

"Buti naman at alam mo. Wala yun ibang ibig sabih---"

Nagtataka ba kayo kung bakit putol ang sinasabi niya?

***

MICAH's POV

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH! >//////////////////////////<

Kahapon sa noo, ngayon guess what kung saan? Hinalikan lang naman ako bigla ng busit na evil freak na to sa left cheek ko. Medyo matagal ang pagkahalik niya sa cheek ko.

"Thank you. ^_^" eh? after niya akong biglang halikan, nagthank you siya at nagsmile ng konti, tapos until now nakahawak pa siya sa kamay ko? OH NOSSSSSSSEEEEEE! Ayoko siyang sinasaniban ng anghel, ng gwapong anghel.

"Alis!" bigla kong nasigaw

"Bakit mo ko pinaalis?"

"Umalis ka! Ibalik mo ang evil freak na si Cliff! Umalis ka dyan gwapong anghel ka! Alis sabi!" sigaw ko

Bigla namang "HAHAHAHAHAHA ang weird mo rin talaga. Tara nga labas na tayo, gusto ko ulit kumain ng ice cream."

"Ice cream? dahil sa malungkot ka nanaman coz of your ex?"

"Hindi. Masaya ako ngayon kaya gusto kong mag ice cream. Samahan mo ko, libre ko. ^_^" humarap siya sa akin ng nakangiti tapos naglakad na kami habang HOLDING HANDS >/////////////<

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante na makita ang biglang paghalik niya sa pisngi ko kanina tapos ngayong holding hands while walking kami. Siya naman parang walang pakialam lang.

Nakalabas na kami. Walang security guard eh.

"Wala pala akong extra helmet." sabi niya bigla "Ah di bale, bibili nalang tayo mamaya, isuot mo nalang muna to." humarap siya sa akin at binitawan muna ang kamay ko para maisuot niya sa akin ang helmet niya, oh infairness ang bango ng helmet niya

"Let's go ^_^" ngumiti ulit siya tsaka na siya sumakay sa motor niya tapos inalalayan akong makasakay. Bakit bumabait siya? Naku naman! Hindi ko kakayanin ang gwapong anghel na sumanib sa kanya >///////<

"Teka." biglang sabi niya "Flat?"

"Anung flat?" tanong ko naman

"Flat yung gulong ko."

"Flat lang naman pala." sagot ko sa kanya. Teka nga! Tss. Kami pala may kasalanan kung bakit flat ang gulong ng motor niya. >_____<

Bumaba siya para icheck ang gulong ng mga motor ng iba pa niyang kaibigan. "Flat lahat. Flat din yung sa mga nakaaway namin kaninag umaga. Teka lang." napatingin siya sa akin

Ako naman "Hehe peace ^____^V" babalik na yan sa pagiging evil freak

Lumapit siya sa akin at naghahanda na akong masigawan nang biglang inalis niya ang helmet na suot ko at hinawakan ulit ang kamay ko tapos "Mga baliw talaga kayo. Paano niyan? Maglakad na lang tayo? Ayos lang ba sayo? ^_^" ngiti nanaman >/////////< bakit ganyan siya?

"Ah eh ahhhhmmm."

"I guess okay lang. Tara na." sabay lakad na niya kaya napalakad na rin ako

OMG! OMG! OMGGGGGGGGGGGGGGGGG!


Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon