Belle' POV
 
    Umalis na ang mommy at kapatid ni frances kaya kami nalang ang natira dito nila ecka, coleen at sila kielle na nandito at hindi ko parin alam kung paano niya nalaman na nandito si coleen

𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴, 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘴 𝘮𝘶𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘪 𝘦𝘤𝘬𝘢, 𝘔𝘢𝘺 𝘣𝘪𝘣𝘪𝘭𝘩𝘪𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘪, Paalam ko kay frances at napatingin naman sakin si ecka na halata sa mukha niya ang pagtataka dahil hindi niya alam kong anong bibilhin ko, Actually hindi naman talaga ako bibili, Lalabas lang kami para naman makapagusap si kielle at frances kahit sandali, Sayang din yung effort niya sa pag punta dito kung hindi namin siya papayagan na makipag usap kay frances saka wala naman kaming karapatan para pagbawalan siya

𝘚𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘵𝘦 𝘣𝘦𝘭𝘭𝘦, Sabi naman ni coleen at agad na tumayo sa kinuupuan niya

𝘞𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨 𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘧𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦𝘴 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘭𝘪𝘬 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘢𝘨𝘢𝘥, Sabi ko at agad namang pumayag si frances

Binuksan na ni ecka ang pinto at saka lumabas, Sumunod naman sakanya si coleen at ako ang nasa kahulihan, Sasaradohan ko na sana ang pinto ng bigla namang nag salita si sheki

𝘚𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘣𝘦𝘭𝘭𝘦, Sabi ni sheki at saka agad namang tumayo sa kinauupuan, Sinarado ko na ang pinto  at saka nag lakad na kami papunta sa elevator



Kielle' POV

   𝘚𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘥𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘵𝘦 𝘣𝘦𝘭𝘭𝘦, Sigaw ni sheki nung sasaradohan na sana ni ate belle ang pintuan ng kwarto ni frances

Agad ng tumayo si sheki sa kinauupuan niya at agad lumapit sa kinatatayuan nila ate belle, Nakalabas na silang lahat kaya sinaradohan na nila ang pintuan

𝘜𝘩𝘮 𝘬𝘢𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢 𝘬𝘢? Nahihiyang tanong ko kay frances, Ibinaling niya naman ang tingin niya saakin at ngumiti

𝘈𝘺𝘰𝘴 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰, Walang emosyong sabi niya, Hindi niya ata gusto na pumunta ako dito

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘯𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘬𝘰? Tanong niya at bahagya naman siyang umubo

𝘏𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢𝘱 𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘯𝘶𝘯𝘨 𝘮𝘢-𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘬𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰, 𝘉𝘢𝘴𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘱𝘢𝘵 𝘬𝘢 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘰𝘴𝘱𝘪𝘵𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮, Paliwanag ko

𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘰 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘺𝘶𝘯? 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘮𝘰 𝘢𝘬𝘰 𝘩𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢𝘱 𝘬𝘪𝘦𝘭𝘭𝘦? Tanong niya habang deretsong nakatingin saakin

𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘶𝘮𝘢𝘢𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘱𝘪𝘭𝘪𝘪𝘯 𝘮𝘰, 𝘎𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘩𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘳𝘭𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘮𝘰, Napayuko nalang ako sa sinabi ko, Hindi ko to dapat sinasabi sakanya pero bakit ko nasabi

𝘐𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘦𝘴𝘦𝘴 𝘬𝘰 𝘣𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘢𝘺 𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰, 𝘔𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘬𝘰 𝘴𝘪 𝘫𝘢𝘺𝘥𝘦𝘦 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘩𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘺, Ibinaling ko ang tingin ko kay frances dahil sa sinabi niya, Sa kabila ng lahat hindi niya sinukuan si jaydee?

𝘚𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘮𝘦𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘪𝘯? 𝘚𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘭𝘰𝘭𝘰𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘨𝘪𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘴𝘢𝘺𝘰? 𝘚𝘢 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘫𝘢𝘺𝘥𝘦𝘦 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘯𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘺𝘰? Sabi ko habang pinipigilan kong maluha dahil medyo nasaktan ako sa sinabi niya na hanggang kaibigan lang talaga, Siguro nga kaibigan lang pero bakit ipinipilit ko parin ang sarili ko sakanya kahit na never niya naman akong magugustuhan

𝘖𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘢𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘮𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘨𝘰 𝘺𝘶𝘯 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘢 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘺𝘢𝘳𝘪 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘮𝘢𝘨 𝘩𝘪𝘩𝘪𝘸𝘢𝘭𝘢𝘺, Mahinahong sabi niya at umiiwas ng tingin saakin

Hindi na ako nag salita dahil ayaw ko ng makarinig ng kahit ano sakanya, Siguro ititigil ko na talaga ang pagkagusto ko sakanya





𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗴𝘂𝘆𝘀!😭

Until Your Last Breath (FRANDEESAL)Where stories live. Discover now