LAMAY CHAPTER 2

5 0 0
                                    

CHAPTER 2

ENJOY READING

ISHA POV

"Isha hali kana rito sasalubongin natin ang bagong katrabaho natin sabi daw nila cute..Bilisan mo na jan!."sabi nang katrabaho ko ka mas binilisan ko naman ang kilos naku may inaasikaso pako ehh pero excited din kasi may makikilala nanaman akong bagong katrabaho.Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko naman iyung dinukot sa bulsa saka sinenyasan na mauna nalang sya ang kulit kasi saka si Mom ang tumatawag kailangan ko talagang sagutin.

"Isha anak wala ka bang balak na umuwi na rito sa bahay?Ikaw nalang kaya ang magmanage nang Comp-."pinutol ko naman ang sasabihin agad ni mom alam kung tungkol naman to sa companya ayaw ko kasi gusto kung mamuhay bilang normal lang hindi ko naman kailangan nang maraming pera kuntento na ako sa buhay ko ngayun bilang ordinaryong employee.

"Mom ayoko magmanage nang Company please wag nyu na akong pilitin hindi iyan ang pangarap ko,Hayaan nyu nalang akong maging masaya at dito ako masaya sa normal kung buhay pakiusap.'sabi ko kaya rinig ko naman ang pagbuntong hininga nito dito ako masaya kaya mas pipiliin ko na rito nalang manatili Mahal ko sila pero gusto kung mabuhay nang ako lang yung malaya at normal.Palibhasa ako lang ang nagiisang anak nila kaya hindi nakakapagtaka na ganto ako kasi ang magmamana nang lahat nang ari-arian namin.

"Sige na nga ako pero kung magbago ang isip mo laging bukas ang mansyon natin para sayu,Mahal na mahal kita anak."sabi ni mom kaya napangiti nalang ako ang sweet talaga ni Mom masaya ako naiintindihan nya ako.Napatingin naman ako sa lahat nang employee nagtipon kasi sila sa harap nang pintuan panigurado paparating na ang bagong Katrabaho namin.

"Sige Mom Salamat,Mahal na mahal din kita,Ibaba kuna ang tawag."sabi ko saka binaba agad naman akong naglakad palapit sa pinto para salubongin ang bago hindi alam nang mga boss at katrabaho ko na galing ako sa pamilyang may kaya sa buhay kaya mas Maganda kasi ang trato nila sakin parang normal ayaw ko kasi sa lahat ay special treatment parepreho lang naman kaming lahat.

Nauna namng pumasok ang Boss namin kasunod nun ang isang lalaki tama nga ang sinabi nila ang cute, Matangkad,maganda ang tindig,may maalon along mga mata nahindi ko maipaliwanag bigla akong naging curious sa buhay nya like sinong nanay at tatay nito Pwedeng pa lahi? Hahaha lokoloko tong isip ko pero yan talaga ang nasa isip ko hindi ko nga alam bakit pero may iba akong nararamdaman.

"Magandang Umaga sainyung Lahat,Pinatawag ko ang lahat para salubongin natin ang bagong employee nang ating Kompanya ang magiging bago nating kapamilya,Si Clyde."sabi ni boss kaya napatango nalang ako ang ganda nang name bagay na bagay sakanyang maamong mukha.Ano ba itong isip ko kanina pa to medjo nakakainis na.

"Hi sainyung lahat magandang Umaga,Sana maging magkakaibigan tayu lahat."sabi nito kaya sumagot naman ako sympre.

"Oo naman mababait kaming lahat rito panigurado magiging magkakaibigan tayung lahat, Welcome to the company and to the family,We treat each other here as a family kaya wag ka nang mahiya."sabi ko nalang kaya napangiti naman ito ewan ko lang nakakatunaw ang mga ngiti nya na hindi ko alam.

Matapos ang tagpong iyun mabilis na lumipas ang mga oras nagumpisa nang magtrabaho si Cylde naging magkakilala narin kami napatingin naman ako sa ginagawa ni Clyde sa computer nya ang bilis nyang gumamit mukhang alam na alam talaga ang pasikot sikot nito ginalaw ko naman ang upuan ko saka mas tumabi pa sakanya gusto ko kasi mas makita ang ginagawa nya.

"Ang galing mo naman gumamit Clyde,Ang bilis mo pang magtype."sabi ko saka napatingin sa tinatype nyang balita.News company kasi ang pinagtratrabahohan namin.Ako nagpapart time minsan na anchor kung kinakailangan may alam naman kasi ako roon.

"Hindi naman nasanay lang"sabi naman nya saka nagkalap nang mga source magaling din pala ang isang to.Napatingin nalang ako sa tinataype nya alam kung abala na kasi ang gawa ko saka baka magkamali sya nang maitype.

LAMAY(COMPLETE)Where stories live. Discover now