2nd Chapter

4.4K 93 3
                                    

Julia's POV

"Bestie!" Tawag ko kay Nikki na tutok na tutok sa phone niya.

"Hmm" paghum niya pero nakatingin parin siya sa phone niya.

"Look at this bestie. Naweweirduhan ako. Parang sinasagot niya yung mga tanong ko sa isip ko. Pero binigyan niya ako ng idea. Diba kasi birthday ko na next week. May sinabi siyang lugar na pwedeng puntahan" sunod sunod na sabi ko pero wala man lang siyang sagot at nanatiling nakatutok sa phone niya. Kumunot ang noo ko dahil doon. Sinilip ko kung anong ginagawa niya doon at sobrang tutok na tutok siya doon na hindi man lang magawang lumingon sa iba. Kapag talaga gusto mo ang isang bagay dapat hindi ka na lumilingon sa iba. Dapat stick to one ka! Charot!

"Bestie!" Medyo linakasan ko iyon para marinig niya at matuon naman sa akin yung atensiyon niya. Attention Seeker lang Julia.

"Oh?" Naiirita niyang sabi. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Parang kanina pa ako nagsasalita dito. Puro na lang kasi text. Iba na talaga ang buhay ng may boyfriend." Naiirita kong sabi sa kaniya..

"Ang kulit kasi nitong si Ford." Sabi niya sa akin.

"Anong sabi?" May pagkasarcastic kong tanong.

"Kamusta na daw ako. Kumain na daw ba ako. Miss niya na daw ako. Mahal niya daw ako. Diba ang sweet niya." Parang nanunuksong sabi niya sa akin.

"Bakit nasa Mars ka ba? Parang ganoon ka kalayo pag kamustahin eh parehas lang naman kayong nandito sa Maynila. Ganyan ba talaga pag may boyfriend? Parang ayaw mo na akong kasama eh. Parang gusto mo minuminuto siya yung kasama mo. Masakit Nikki." Masungit na sabi ko sa kanya.

"Ang drama mo" sabi niya na natatawa.

"I'm serious Nikki" tumitig ako sa mga mata niya.

"Serious? Diba star yun?" I rolled my eyes. "Okay fine sorry. I love you Bestie Julia" nanlalambing na sabi niya.

"Psshh" singhal ko.

"Eto naman sorry na nga eh" sabi niya ulit.

"hahahahahahaha" tumawa ako. hindi ko na napigilan. Nakakatawa yung reaksyon niya. "Syempre joke lang lahat yun! Hahaha" natatawa pa ring sabi ko.

"Mga trip mo rin eh!" Naaasar na sabi niya.

"Love you too Bestie!" Nakapeace na sabi ko sa kanya. Tsaka ko kinuha yung phone niya. "Iprank natin si Ford!" Natatawang sabi ko dahil sa plano ko.

"Ay sige game ako dyan!" natatawa na ring sabi niya.

Binuksan ka na yung phone niya at agad na nagtext kay Ford.

Compose message
To Ford love
Fordddd!!!

"Ang cheesy mo. Ford love?" Nangaasar na sabi ko sa kanya.

"Whatever. Palibhasa NBSB!" Nangaasar na sabi niya rin.

1 message received
From Ford Love
Loveee???!!!

Natatawa na talaga ako. Wala pa kaming ginagawa eh.

Compose message
To Ford Love
Love! Huhuhuhu *crying emoji*

"Hahahaha" hindi ko napigilan yung sarili kong tumawa.

Nagvibrate ng ilang beses yung phone ni Nikki.

2 message received
From Ford Love
Love bakit?
----
Anong nangyari? Okay ka lang?

"Hahahaha masyado talaga siyang OA" natatawa ding sabi ni Nikki.

DAANWhere stories live. Discover now