Hangover Vs Problems

Zacznij od początku
                                    

"Nasugat ka sa pag basag mo sa picture frame na ibinato mo sa sahig kagabe. Siguro nahiwa ka ng hindi mo napapansin! Si sachi nga pala nag aalala sayo!" Sabi ni tyler kay raiko






Tumayo si raiko at kinuha ang roba niya na nasa upuan malapit sa kama niya at isinuot ito at dirediretso sa pag lalakad. Samantalang ang kaibigan naman niya ay sinundan siya ng tingin na may halong pag tataka sa kanyang mukha.







"Teka huwag mong sabihin!?"









Lumingon si raiko sa kaibigan niya at ngumiti siya dito "kailangan kong pumasok may appointment pa tayo na dapat puntahan. Tawagan mo si sachi sabihin mo sa opisina nalang tayo magkitakita." Yun lamang ang sinabi niya at nag simula ng pumasok sa loob ng banyo.









Pagka sara ng pinto agad niyang tinignan ang sugat niya sa kanang kamay niya. Tinanggal niya ang gasa at nagulat siya ng makita ang tahi ng kanyang sugat. "Teka hindi naman marunong mag first aid si Deon!" Inalala niya ang mga nangyari ng makarating sila sa pent house ngunit hindi pa rin niya kayang halungkatin ng husto dahil sa sumasakit lamang ang ulo niya sa hangover na meron siya ngayon. "Ughhh... Kainis!" Nakarinig ng katok si raiko mula sa labas ng banyo "bakit?" Sigaw niya sa taong kumakatok.









"Bibili lang ako ng pagkain natin! Babalik din ako agad!" Sabi ng kanyang kaibigan mula sa labas ng pinto.





"Sige!" Sagot na lamang niya dito at nag pasiya na maligo.






Samantala ang doctor nating si maddie oh ay kasalukuyang nag checheck up ng batang pasyente sa hospital kung saan siya nag tratrabaho. "Yan ok na. Ma'am ito po yung gamot na iinumin ng anak niyo tatlong beses sa isang araw. Maraming salamat po!"







"Dr.Maddie!"








Napatingin si maddie sa isang nurse na tumatakbo papalapit sakanya "bakit maya?" Tanong niya sa nurse nakakalapit lang sakanya na kanina ay tumatakbo papalapit sakanya.










"Si mr.Deon po andito at hinahanap kayo nasa vip room po siya ngayon!"









Agad nag lakad si maddie papuntang vip room at agad naman niya itong nakita. Pag bukas niya nito at isang matiponong lalaki na nakaupo ang nakita niya at umiinom ng tsaa.











"Mr.kim!" Napatingin ang binata sakanya at nakita niya ang ngiti ng kanyang high school friend na kinababaliwan ng mga teenagers na gaya nila noon.




kim!" Napatingin ang binata sakanya at nakita niya ang ngiti ng kanyang high school friend na kinababaliwan ng mga teenagers na gaya nila noon

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.



"Naligaw ka ata?" Tanong ng munting doktor na nasa harap niya"








"Pumunta lang ako dito para mag thankyou kagabe. Alam ko late na yun kaso kasi alam mong hindi ako marunong pag dating sa first aid."






"Alam ko kaya nga tinulungan kita diba. Kamusta na nga pala siya?" Nag lakad si maddie papunta sa upuan na katapat ng inuupuan ni Deon.





"Ayun maayos na naman. May hangover nga lang!"





"Siguro malaki problema niya!"







Napabuntong hininga si Deon ng masabi iyon ng dating kaklase niya "sobra! Sobrang laki ng problema niya! Sana malagpasan niya!" Sabi na lamang niya dito










Napatingin si maddie sa cellphone ni Deon na umiilaw sa mga oras na iyon. Naagaw naman ang atensyon ni Deon sa direksyon na ipinupukol ng tingin ni maddie dito. Nakita niya ang caller si raiko.









"Mukhang hinahanap ka na niya! Siguro sa susunod nalang tayo mag usap ulit. Yung bilin ko tatlong beses sa isang araw ok!" At ngumiti lamang ang dalaga.










"Sige. Sa susunod nalang ulit!" Tumayo na si Deon at nag vow kay maddie at lumabas na ng vip room.








Habang nag lalakad ay sinagot niya ang tawag ni raiko "pabalik nako sandali nalang!"








"Sige sige bilisan mo ha. Gutom na ko!"







Ng makarating si Deon sa pent house ni raiko nakita niya ito na nag lilinis ng sugat habang ang buhok niya ay tumutulo pa. Sigurado siya na nahirapan sa pag liligo ang kaibigan dahil sa sugat nito sa kanang kamay. Napatingin si raiko sakanya napatingin din siya sa paper bag ng mcdo tiyaka niya ibinalik ang mga mata niya sa inaayos niyang gasa sa kamay habang ang kaibigan niya ay nag aayos ng kakainin nila.








"Salamat nga pala sa pag aalaga sakin kagabe!" Hinging salamat niya sa kaibigan. Ngumiti si Deon ng marinig iyon at tinignan ang kaibigan.












"Wala yun. Yung kamay mo pala hindi ako nag gamot diyan yung kaibigan ko."









"Si sachi?" Tanong ni raiko sa kaibigan








"Hindi. Yung high school classmate ko doctor kasi siya sa jeomong hospital dito sa seoul."










Bigla silang napatingin sa pinto ng bumukas ito at iniluwa nito ang detective na si mr.park at ang kasama nitong pulis.










"Mr.park bakit? Anong meron?" Tanong ni Deon






"Raiko at Deon huwag kayong mabibigla si... Jun kim.."




"Anong meron kay jun kim?" Tanong ni Raiko sa detective







"Wala na siya! Nakita ang bangkay niya sa apartment niya. At may nakita ding sulat ito!" Iniabot nito ang sulat kay raiko na tinanggap naman ni raiko. Kita dito na may bahid pa ng konting dugo ang papel.










Alam kong hinahanap mo ko! Sa totoo niyan excited na din akong mag harap tayo! Dahil sa oras na mangyari yun itaga mo na sa bato papatayin kita!










Nilamukos bigla ni raiko ang sulat at tinitigang mabuti ang sulat na nasa kamay niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang malaman ang totoo at makamit ang hustisya. Ngunit kailan niya mahuhuli ito kung gayon din naman ay napakailap nito sakanya!?.


To be continued....

W - Two WorldsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz