Rita's POV



Pagpasok ko ng kwarto ay agad akong napaupo sa harap ng vanity ko. Hindi ko na napigilan pang umiyak. Bakit ganoon? Bakit masakit pa rin?



Tiningnan ko ang anak kong mahimbing na natutulog. Pinunasan ko ang luha ko at nagpalit ng pantulog. Agad ko nang tinabihan ang anak ko, "Sorry baby ha. Umiiyak na naman ang Mommy"



Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog basta alam ko nakatulugan ko na naman ang pag-iyak.



The following day, mga 4am nagising na ako. Pinilit kong maunahan ang alarm ko para hindi ko magising si Dani. Success naman.



Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Madilim pa din. Hindi pa rin ba siya gising?



Palapit na sana ako sa couch nang biglang nagbukas ang mga ilaw.



"Ang aga mo naman gumsing?"




Gulat akong napalingon. There he is, from the bathroom. Napansin niya ang gulat ko. Biglang naging apologetic.



"Ah sorry mabibigyan pa yata kita ng sakit sa puso"



"Nabigyan mo na ako diba?"



"Huh?" oo diyan ka magaling, pretending that you don't know anything.



"Wala." pagsagot ko, "May jetlag pa rin kasi ako. Nasa New York pa rin kasi yung body clock ko."





"Coffee?"



"Coffee?!" pagtataka ko.



"Matagal ka pa bago makatulog niyan diba? And I know na pampatulog yung kape."

Filming LoveWhere stories live. Discover now