Tinabig niya ako at nagpatuloy pa rin.

Tumama ang ilong ko sa pader. "Ouch!" Hindi naman iyon masakit pero exaggerated akong pumikit, pinilit na maluha kahit wala akong mapiga. "Aw!"

Mabilis siyang bumalik at lumapit sa akin. "Bakit? Nasaktan ka? Patingin?"

Naiiyak kong pinakita sa kanya ang aking ilong. "Tumama sa pader. Sinaktan mo ako!"

Huminga siya nang malalim. "Sorry. Hindi ko sinasadya." Hinawakan niya ang braso ko, hinila palapit sa kanya para masilip niya. "Alin ang nasaktan?" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, inaalis ang kunyare ay dumi roon. "Okay na?"

"Huwag ka na umalis. Dito ka nalang," niliitan ko talaga ang boses ko para mahulog siya ng husto sa patibong ko.

"Gusto mo sumama ka? Exam lang 'yon, tapos puwede na tayo umuwi."

"Sabi mo iyan, ha! Namiss ko ang luto mong pancake."

Ngumisi siya. "Pancake lang pala."

There was nothing special on that pancake but I am looking forward on it. Hindi na ako nagbihis, ganoon ang suot ko noong umangkas sa bicycle niya. Kung sa lumang pick-up nga, nakaya ko sumakay. Sa ganito pa kaya?

I smiled wider when I saw men walking going to where we were heading. Waving to some of them who I don't know. Until a familiar old pick-up appeared on our side moving very, very slow. The glass window on the driver side move down, showing me the face of the driver.

Naibaba ko ang aking kamay, napagdikit ang mga binti. Yumuko para umiwas ng tingin.

Huminto si Daryl para mag-park sa mga hilera ng bike.

"Doon ka nalang muna sa lounge. Para hindi ka mainitan." Tinuro ni Daryl iyon.

Tumango ako at kumaway na. Habang patungo roon ay pinapanood ko ang video. I stopped when I felt someone was standing in front. Para hindi ko siya mabangga, kaysa umiwas ay hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. Ganoon din ang nasa harap kaya naibaba ko ang cellphone at nag-angat ng tingin sa kung sino.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Bakit? Bawal ba ako rito?"

Masama ang titig niya sa suot ko. It was a razor back and a tight leggings paired with my violet running shoes. My hair tied messed in a bun. Face no trace of make-up. Kanina comfortable naman ako, ngayon na nakatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa. Tila ba ang prisensiya ko ang sumira sa araw niya. Kadiri. Mabaho dahil sa pawis at walang ayos.

Parang gusto ko na umuwi.

"This place is full of boys every Sunday... and you are here."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Excuse me! Hindi ko alam iyan. Hihintayin ko ang kapatid ko." Umirap ako sa kawalan. "Tapos aalis na kami."

Hindi siya umimik. Nanatili lamang siyang nakatitig.

"Oo nga. Ayaw maniwala. Bonding day namin ng kapatid ko. Nangako ako sa kanyang babantayan ko siya."

Inilagay niya ang dalang jacket sa akin. Nang maisara ang zipper, bahagya niya akong hinila palapit sa kanya. "Three hours exam ito. Mainit sa labas. Doon ka na sa loob ng sasakyan ko."

My eyes found his old pick-up on the parking lot, near the BMW sedan and red Jaguar. Sobrang layo ng edad at kulay nito sa mga katabi. Tipong ikakahiya mo talaga ng husto. Okay naman ang offer niya, kaso ayaw kong ubusin ang gasolina niya para sa libreng pagtambay ko. Naalala kong sarili niyang gastos ang lahat ng ginagamit niya. Mahirap lang ako, kaya nauunawaan ko iyon may ibang lugar naman sigurong pagtambayan gaya ng kaparehas ng room nila. Like seat in? Kung panoorin ko kaya siya sa klase nila?

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon