Hindi ko siya binalingan. Nanatili ang titig ko kay Cameron, ganoong din ang lalaki patungo sa akin. "Naabala ko ang lakad mo."

"I already called the professor about your brother." Tumayo siya at tumingin kay Tito Daniel na ngayon ay kasalukuyang kausap ng kakalabas lang na espesyalista. "I'll go now."

Tumango ako. "Salamat ulit. Maraming salamat."

Tumango siya. Saglit na nagbigay galang kay Tito Daniel bago tumalikod at umalis. Ihahatid ko sana siya, ngunit nangingibabaw ang pag-aalala sa akin sa kakambal ko. I just watched him disappeared on the sliding door. Agad akong pinaulanan ng tanong ni Bethanie. Lately she can't update me about Cameron because of her failing grades. And because the school was busy with a lot of activities she became preoccupied about it.

"Nagkataon na napadaan siya ng humingi ako ng saklolo," simpleng paliwanag ko.

Mukhang nanghihinayang siya na hindi nakausap si Cameron. Naroon pa rin kasi ang titig niya sa exit, kahit pa wala na roon ang lalaki. Hindi nga siya nagtanong sa akin kung kamusta si Daryl, si Cameron agad ang mas napansin niya sa kabila ng pag-aagaw buhay ng kapatid ko.

"Free na ako next week. Makakausap ko na ang investigator na kinuha ko para malaman kung sino ang babaeng kinakatagpo niya. Sisiguraduhin kong maghihiwalay sila. Siya nga pala, nakita mo ba ang mga bagong palette set ko ng make-up? Subukan natin."

Na kay Daryl na ang utak ko habang palapit kay Tito Daniel. Naiiyak ulit.

Tito Daniel glanced at me and motioned the Doctor's advice. "He is exhausted, Dahlia. Just needed some rest."

Nakatingin na ako sa pinto bago tumango.

Ilang pag-uusap pa bago kami tuluyang nakapasok sa loob. I never left nor moved until he wake up. I couldn't hide the tears on my eyes. He was my only family and I cannot bear to lose him. I gave him a warm and tight hug that made Tito Daniel laughed.

"Pinag-alala mo ang lahat ng tao sa bahay." Umirap sa kawalan si Bethanie. "Hindi mo inaalagaan ang sarili mo."

Masama ang titig ni Daryl patungo sa babae.

It made me somehow worried. Kung palaging ganito ang trato ng kaibigan sa kapatid ko, hindi magandang palagi siyang aburido at nag-aalala. Masyadong seryoso sa buhay si Daryl at hindi ko alam ang mga pinagkakaabalahan niya bukod sa pagbababad sa library o pag-aaral ng mabuti.

Dapat bang hanapan ko siya ng babaeng magpapasaya sa kanya?

Huminga ako nang malalim.

Kung si Bethanie, tinutulungan ko sa crush niya. Ngayon naman si Daryl para sa girlfriend.

"Wala lang ito, Tito. Pasensiya na po sa abala."

"Free your load, Daryl. You've been studying hard and always on the top. Give yourself a break. Gusto niyo bang magbakasyon ni Dahlia sa province niyo sa darating na summer?"

Nagkatinginan kami ni Daryl.

I could read in his eyes that he like the idea. He wanted to go there with me. I smiled and nodded. He smiled too.

"Sige po, Tito."

Linggo ng umaga, maaga akong gumising para mag-jogging. Pagbalik ay naabutan ko si Daryl na nagsusuot ng sapatos paalis. I dashed on the living room just so I could reached him. Hinarangan ko ang pinto para hindi siya makaraan.

"At saan ka pupunta? Kailangan mo magpahinga."

"May klase akong hahabulin. Exam namin ngayon."

"Exam? Excuse ka na Daryl. Puwede namang sa susunod na Linggo iyan."

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon