8.

34 2 1
                                    

DY

"SIT."

Halos pabulong lang iyon pero kalakip noon ang bantang ''di ito tatanggap ng kahit ano maliban sa 'Yes, Your Highness'. Umingos ako't tinitigan ang prinsipeng prenteng naka upo sa isa sa mga bakanteng upuan sa loob ng fast food restaurant na ngayon ay mas marami pa ang royal guards at staff kaysa sa parokyano.

Pinigil ko ang maaliw sa ayos ng gwapo pero aroganteng binata. Sa tangkad at laking tao nito, halos lamunin nito ang buong upuan maging ang space sa paligid nito. Nasa telepono ang atensiyon nito kaya't pasimple akong lumakad. Nagpanggap na wala akong narinig.

Pero bago pa 'ko makatatlong hakbang, galit na itong nagsalita.

"I'm not a patient man, Dianna. Marami akong dapat asikasuhin at hindi ko matapos ang mga 'yon kung panay ang pagmamatigas mo. Don't push me. You won't like it. Upo."

I pursed my lips. Para 'kong batang sutil na napagalitan. I don't understand myself too. Alam kong pasaway ako't sadyang matigas ang ulo, pero sibilisado naman akong tao. But there's something about the royal prince that made me tick, always. Naroon ang urge na salungatin siya't ilabas ang sungay ko.

Siguro, dala iyon ang kaalamang sa loob ng may isang taong tinanggalan akon ng right na mamili para sa sarili ko. I'm independent, being stripped of my valued freedom made me bitchy. Pero alam ko rin kung kailan lalaban at mananahimik. At this moment, I choose peace. Mahirap na mukhang bi-bingo na ko sa kanya.

Inukopa ko ang silya sa tapat nito't humalukipkip. Saglit kong pinag aralan ang gwapong mukha nito bago 'ko ibinalik ang atensiyon sa pagkain na nasa gitna ng lamesa.

Inilapag iyon ng kanang-kamay nitong si Abe, hindi na ako nagulat nang makitang naroon ang fave kong yum burger with cheese. Lots of cheese.

"Eat," itinulak nito ang tray sa tapat ko. "Dianna, kumain ka, or I'll force you. Be wise, "dagdag nito sa pagitan ng pag-nguya ng fries.

Namamanghang pinagmasdan ko ito habang nilalantakan ang pagkain na big no-no ng mga gym buff at body-conscious. I know since napapalibutan ako ng mga ganoong uri sa trabaho.

"Hindi ba bawal 'yan sa inyo?"

Tumaas ang kilay nito't iwinagayway sa tapat ko ang fries na may ketchup.

"This? God, no. Pagbawalan na nila kong lahat sa kahit ano, huwag lang sa gusto kong kainin. It's one of my pleasures in life...ang kumain," dinilaan nito ang hintuturo't hinlalaki para alisin ang iodized salt doon habang 'di inaalis ang malagkit na titig sa mukha ko.

Nasamid ako't mabilis na inabot ang coke. May init akong biglang naramdaman sa innuendo ng sinabi nito't sa malikot at mahabang dila nitong nakita ko.

Shuta! Lord, bakit pang food porn ang lumabas sa utak ko?

"I swear, I'm the best at that. Ang kumain," dagdag nito dahilan para halos mapangalahati ko ang iniinom.

Bakit ba napaka harot ng isang 'to? Kunwa'y iritableng inilapag ko ang drinks at tumnigin sa gawi nito para lang matigilan. May ketchup kasi gilid ng labi nito at mukhang wala itong kamalay-malay. Ang hudyo, panay lang ang kain ng fries na animo iyon ang pinakamasarap na bagay sa mundo.

I cleared my throat.

"Your Highness," tawag ko sabay nguso.

Nagtatanong ang mga matang tumitig ito sa 'kin bago sumilay ang pilyong ngiti sa labi. Bago pa 'ko makapag react, dumukwang na ito't mabilis hinila palapit ang batok ko. He kissed me in front of everybody, that naughty tongue darted inside my mouth doing a sexy swirl before he retreated.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Thrones Of The Hearts (Reino De Filipinas 4)Where stories live. Discover now