Chapter 1

66 2 0
                                    

Maaga akong nagising for my morning class. Unang klase to ng taon pero hindi naman ako na-eexcite. Normal lang. Paulit ulit lang naman kase ang nangyayari, walang bago.

Mag-isa na lang ako sa buhay pero mas ayos sakin yun dahil nagagawa ko ang mga gusto kong gawin. Di naman din ako lumaki sa poder ng mga magulang ko kaya sanay na ako.

Bago ako umalis ay kinuha ko nakasabit na isa pang uniform para naman sa papasukan ko pagkatapos ng klase. Nagwo-work din ako dahil ako na lang naman ang sumusuporta sa sarili ko. Kailangan ko ring kumita.

Palabas na sana ako ng bahay nang mamalayan kong hindi ko pa suot ang necktie at i.d ko. Lagi ko talaga yun nakakalimutan. May pagkakataon pa na nasa school na ako bago ko namalayan na wala akong i.d kaya hindi ako nakapasok.

Bumalik ako sa loob ng bahay at umakyat pa sa kwarto ko dahil nasa study table ko ang i.d.

'Avielle Cali B. Montero'

Napailing na lang ako nang makita ang pangalan ko. Sunod kong kinuha ay ang necktie ko. Imbis na ribbon ay nag-request ako sa school kung pwede ba na necktie na lang ang gamitin ko dahil hindi ako kumportble sa ribbon. Kahit papano naman ay bumagay iyon sa knee length kong palda at long sleeve na blouse. The school respect our preference so hindi naman sya big deal.

Agad akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Hindi ito tulad ng mga mamahalin na pwede mong ipang-flex dahil simple lang ito. Gusto ko lang ng maayos na masasakyan papunta at pauwi ng school. Ayoko din naman mag-commute dahil ayoko ng maiingay na lugar. Maiirita lang ako.

Actually galing itong kotse na to sa parents ko. Ayoko na sanang gamitin pero wala akong choice.

I drove 20 minutes bago makarating sa school. Pagkatapos kong iparada ang kotse ay naglakad na ako papasok at doon ko na naman narinig ang maingay boses ni Shin.

"Hoi biot! Kamusta na, grabe ilang buwan din tayo hindi nagkita!" irita kong nilingon ang napakaingay kong kaibigan na si Shin. Pinilit pa nitong umakbay sa akin kahit hindi naman nya ako abot.

"Tumahimik ka nga, ang ingay mo." sabi ko sabay kutkot sa tenga na para bang naririndi na rito. Inalis ko ang kamay nito sa balikat ko at nagtuloy na pumasok sa loob ng school.

"Hoy! Hindi mo man lang ba ako namiss?! hoy!" dinig ko pang sigaw nito pero hindi ko na sya pinansin. Naramdaman ko na lang na sumunod ito sa akin at di na lang nagsalita. Magkaklase na naman siguro kami ng kumag nito. Sunod lang ito ng sunod sa akin at parang batang sumabit pa sa braso ko.

Naiirita ako sa sobrang dikit nya sa akin pero hinahayaan ko na lang. Lagi naman syang ganyan sakin, pag tinanggal ko ang kamay nya ay parang wala lang na ibabalik nya iyon. Napakakulit.

"Saan ba ang unang klase mo?" tanong ko dito habang naglalakad. Di pa naman ako sigurado kung magkaklase talaga kami so, kung hindi ay ihahatid ko na lang sya doon.

"Sa building 1 ako." masaya nitong sabi sa akin at nakatingala pa dahil hanggang leeg ko lang sya.

Napabuntong hininga ako na para bang nakahinga ng maluwag dahil hindi ko sya kaklase.

"Sige, ihahatid na kita." parang wala lang na sabi ko at diretso pa rin ang lakad.

"Talaga ba?!?! omg, sabi ko na nga ba namiss mo ako eh. Tingnan mo gusto mo pa ako makasama ng mas matagal. Yiee" tuwang tuwang sabi nito at sinusundot pa ang tagiliran ko kaya hinawakan ko ito at binalik na lang sa braso ko. Malakas ang kiliti ko pero hindi ko pinahalata sa kanya, mas lalo nya lang akong kikilitiin.

"Wag kang assumera dahil iisa lang ang daan natin. Building 2 ako."

"Grabe, di mo ba talaga ako namiss?!?" parang nasasaktang sabi nito at nakahawak pa sa dibdib.

The Truth UntoldOnde histórias criam vida. Descubra agora