Chapter 104: Game Adjustment

Start from the beginning
                                    

Nagulat ako noong nawala si Noah sa tabi ko, naglakad na siya tungo sa direksiyon. "Noah! Noah!" I tried to call him several times pero hindi ko na siya napigilan.

Nakatayo na si Noah sa harap ng mga magulang ni Genesis. Even Genesis, he is shook na makita ang nakapantulog pang si Noah. "Hindi po walang kuwenta ang ginagawang paglalaro ng anak ninyo! Magaling na player po si Genesis. Huwag ninyo pong sinasabihan na walang kuwenta ang bagay na mahal na gawin ni Genesis!" Pagtatanggol ni Noah at mabilis siyang hinatao ni Sir Theo sa kaniyang tabi.

Nagising na ang ibang members ng Orient Crown dahil sa ingay na nangyayari.

Genesis smiled to Noah at may kinuhang candy sa kaniyang bulsa. "Babalik ako," Genesis said at tumingin siya kay Sir Theo. "Aalis muna ako ng Boothcamp, Sir, para hindi na mas lumaki ang gulo."

"Himala, ang haba nang sinabi ni Boy Pipe," side comment ni Larkin na nasa tabi ko na pala. "Napakasarap namang almusal niyan. Confrontation, kabusog."

Sir Theo tried to convince Genesis parents once again pero buo na ang desisyon ng Nanay ni Genesis. Naiintindihan ko naman din na nadadamay si Genesis sa mga issue na kinakaharap ng Orient Crown, at kapag damay si Genesis ay nadadamay ang magulang niya sa issue. Mukha naman ding karespe-respetadong tao si Tita Geneva na pinoprotektahan lang din ang kaniyang anak.

Genesis packed his things at nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan ng kanilang kuwarto. Watching him go made me lonely, this whole situation is a mess for the group. Wala naman kaming ginagawang mali lahat pero bakit ang hirap abutin ng pangarap namin?

Genesis suddenly looked to my direction, I gave him a weak smile. "Mag-iingat ka, Genesis. Uminom ka na ng Milo para magka-energy ka." Trying to make the atmosphere more lightier.

Genesis blinked his eyes. "Babalik ako." Tipid niyang sabi.

"Alam ko, alam kong mahal mo ang Orient Crown," hindi man showy si Genesis pero alam kong sobrang komportable siya sa grupo. The way he gave candy kapag may member kaming nalulungkot ay malaking bagay na para ipakitang gusto niya sa Orient Crown

"Bestfriend..." dumungaw din sa pinto si Noah.

"Galingan ninyo." he closed the zipper of his bag na punong-puni ngayon dahil sa gamit niya. Alam kong nalulungkot si Genesis sa nangyayari pero hindi niya masuway ang magulang niya. They are still Genesis parents.

Baka kapag sumagot-sagot si Genesis ay mas lalo lang siyang hindi makapaglaro. At wala sa personality ni Genesis na sumasagor sa magulang, he rather sleep than talking to anyone.

Isinuot ni Genesis ang bag niya at naglakad palabas ng room nila.

As the captain of the Orient Crown ay napu-frustrate din ako sa nangyayari. Dalawang member namin ang suspended ng ilang linggo sa laro at ngayon ay mawawalan pa kami ng isang assassin. Usually, si Genesis ang nag-sa-sub sa akin na shotcaller sa tuwing wala ako sa boothcamp or hindi ako lumalaro. He is really a talented kid pagdating sa paglalaro ng Hunter Online.

Bagot na lumingon si Genesis sa amin at kumaway bago sumakay ng kanilang sasakyan.

"Crazy mother." Naiiling na sabi ni Larkin pagkaalis nila Genesis. "Naghanap nang masisisi para makuha si Genesis dito sa boothcamp, sinisi pa pag-inom ko eh mas gusto ko pa ngang kumausap sa pader kaysa kausapin 'yong si boy pipe. Mas sasagutin pa ako ng pader kaysa ni Genesis, eh." he explained.

"Ikaw," itinuro ko si Larkin, "Bawasan mo na pag-inom mo. Kung iinom ka man, make sure na walang camera o phone ang nakatutok sa 'yo. Nai-stress na ako sa mga issue."

"Heathy living tayo ngayon." he chuckled.

Sabay-sabay kaming nag-breakfast dahil maya-maya lamang na alas-onse ay may laban kami. I need to make an adjustment lalo na't kasama si Genesis sa lineup ng ibang match. Larkin is suspended at wala rin si Genesis ngayon, meaning, ako lang ang Assassin ngayon sa team.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now