Bahagya namang nahiya si Ken, tiningnan at tinakpan ang kanyang tiyan.



"Tsaka sino bang nagsabing sa iisang lamesa tayo kakain? May center table sa sala diba, oh eh dun ka kumain"  pagtataray ko sabay baba ng kamay niyang nakahawak pa pala sa akin.




Si Trish na ang naexcite at hinila si Ken paloob ng condo. Napatingin ako nang biglang nagring ang phone ni Trish.



After the call, "Oh Trish, may problema ba?"



"Bestie, paano ba yan? Pauwi na daw si Dad sabi ni yaya. Alam mo namang dapat mas mauna ako sa kanya diba kundi patay ako"



His dad is very strict pagdating sa curfew hours. Trish needs to be at home on or before 9pm. Pag hindi, baka maulit yung pagtulog niya sa garden.



Umoo naman ako agad. "Promise babawi ako next time. Bye talaga bestie. Bye na rin crushie!" may paflying kiss pa nga ang ate mo Trish bago tuluyang umalis.








"Tito Ken, you know, first time na may kakaing stranger sa house namin" pagsabi ni Dani kay Ken habang nasa elevator kami paakyat.



Penthouse.



This is where I live. Gusto ko lagi ang mga lugar na matataas, yung walang makakakita, walang makakapansin sa akin. Ironically, artista ako so paanong walang papansin sa akin diba?



Pagpasok pa lang ng unit ay amoy na amoy ko na ang signature adobo ni Trish. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit si Trish yung lagi kong napapakiusapan. Ang sarap talaga niya kasing mag-adobo tapos marami pang itlog.



Inayos ko na ang lamesa at pinagpagan na rin ang carpet sa sala.



Nagulat naman ako nang biglang kunin ni Dani ang kanyang plato at baso at nilagay sa center table na rin.



"Dani baby? Why are you putting yours in there?" I was pointing at the table. Ken was just staring at us.



"Mommy, diba it's the first time that you brought your boy friend here? Can we have dinner together sa sala?"

Filming LoveWhere stories live. Discover now