Chapter 27: Nasaktan

Start from the beginning
                                    

"tama na!" hindi ko alam at kusa nalang bumuka ang bibig ko. "at ikaw Margie, wag mo na yang takpan pa ang Anya na yan kasi wala siyang silbi at mangggamit siya! Isa siyang salot dito at mapagpanggap! At wag na wag mong sasaktan ang babaeng mahal ko!" sigaw ko. Gusto kong lumuhod sa takot sa mga nasabi ko at narinig ko galing sa kanya. Pisting buhay to.

" okay... Hindi ko alam bakit nasaktan ako sa sinabi mo esti sinigaw mo na wala naman akong kahit isang katiting na maalala tungkol sayo... Don't worry ako naman ang umiiwas, bastang yang girlfriend mo lang ang lumalapit at pinagsisiksikan na kambal ko siya na trinato kong basura DAW noon.. Ehh kita niyo ngang itim ang dugo niyan, wala akong kakambal na dark mages, Prince Geo... Wala, kaya wakey wakey, maghunusdili kayo" mahabang saad niya at pinunasan ang tumulong luha sa mata niya.

___________________________________

Anya's Pov....

Iwan ko pero kusang pumatak ang mainit na likido sa aking mata, tsk luha pala. Bakit naman ako luluha eh manhid ko nga kasi wala akong nararamdamang sakit. Kahit nga nasaksak ako nung Shayene na yun, pero ako wala talaga akong na feel na kunting kurot. Sadyang manhid na talaga ako. Ohh I feel dizzy.

"Anya may saksak ka!" huli na ng bumagsak na ako sa lupa. Nakakaantok yun ahh.

__________________________________

Margie's Pov...

Matapos sa mahabang salita ni Anya ay lumakad na siya at nakita ko sa kinakatayuan niya kanina na may pulang dugo. Kay Anya?

Pagtingin ko kay Shayene totoo ngang itim ang dugo niya so kay Anya nga. Dali dali akong tumingin sa kanya at sumigaw kasi nakita ko ang uniform niya na malapit sa bewang na dumudugo shit.

"Anya may saksak ka!" huli na ng bumagsak siya sa lupa. Dinaluhan naman siya ng ibang estudyante at agad dinala sa clinic.

Bago ako sumunod bumalik muna ako sa pwesto ng heroes KUNU.

"OHH ANO? Masaya ano? Yan pa ang kinakampihan niyo ehh sampal nga lang inabot niyan ehh! Kaysa kay Anya na sinaksak sa bewang! Mga walang puso! Mga makasarili! Mga walang kwentang kaibiga---*pakkk*" natagilid ang ulo ko sa sampal ni Zang. For the second time tsk. Humarap naman ako sa kanya na makikita ko ang pagkagulat sa kanyang mata.

" totoo naman ahh!! Sige sampalain mo pa ako! Kundi saksakin kasi diyan naman kayo magaling!!! Mga inutil!!! Sa pagdating ng digmaan, wala na kayong babalikan pang SHANAIA na minahal kayo... Hindi ko na siya pipigilang isakrepisyo ULIT ang buhay niya PARA SA INYO!!! Diyan kayo kumampi sa isang Prinsesa ng Dark mages! Isang babae ni God Azura!!! " galit na sigaw ko at nakita ko ang gulat sa mukha nila at paghihinayang. Tsk huli na.

" tsk magsaya kana Princess Darrah KUNU ng underworld kasi nasira muna ang PAGKAKAIBIGAN namin NOON!! magsaya kana! At kayo, at ikaw Geo! Wala kanang Shanaia na babalikan pa at ANAK!!!" patawad Anya ngunit galit ako sa kanila. Nasabi ko na ang dapat hindi sabihin.

Aalis na sana ako pero hindi pa talaga ako tapos. Kinuha ko ang magic dust na binigay ni Goddess Hoa sakin kanina at hinagis kay Shayene DAW kaya nag iba ang itsura niya at bumalik sa dating mukha niyang parang impaktang clown.

Nagulat ang lahat sa nakita at wala na akong ginawa pa at sinaksak siya sa puso.

"any last words my dear? Ay wala na pala, sinaksak na kita ehh, baka magsumbong ka pa kasi" saad ko na may nakakamatay na ngiti at sinaksak pa siya at ginilitan ng leeg. Walang imik ang lahat at hindi pa nawawala ang gulat.

Umalis na ako baka ano pa magawa ko sa kanila, mga walang gamit sa mundo tsk.

______________________________________

" kumusta na siya?" tanong ko sa nurse na nagaasikaso kay Anya. May nakakabit na oxygen at malaking binda sa bewang. Naka sports bra nga lang siya pero hindi kita masyado ang tiyan kasi nga may benda tsk.

Mas naging masungit na tuloy ako dahil sa kanila.

" kritikal po ang buhay niya kanina, may lason po kasing linagay sa sinaksak sa kanya.. Iwan ko nga at pag isang oras natanggal ang malalang lason pero masasabi ko, lumalaban siya... Linalabanan niya si kamatayan hahahaha.. Yun lang, kinalabitan ko ng oxygen kasi ang hina ng paghinga niya kanina... Pero okay na siya, wala ng lason... Paalam na Princess Margie at Prince Cikey " mahabang paliwanag niya at nag paalam at lumabas. Haysss kawawang Anya.

" Margie" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Goddess hoa sa harap ko mabuti nalang nasa likod ko si Cikey tsk.

"Goddess Hoa naman eh tsk" asik ko. Ehh hindi ako makasigaw sa kanya ehh baka gawin akong kalabaw.

"ang ganda namang kalabaw kung ganun hahaha. Well andito ako kasi sabi ng God of the Universe na sa pagkagising ni Anya in short Shanaia, nakakaalala na siya at maaalala niya ang ginawa ng heroes sa kanya, lahat ng pangyayaring wala siyang alala... Sana gabayan mo siya sapagkat alam kong magagalit siya at kasusuklaman sila... Okay narin siya kaya wag mag-alala...." saad niya na may pilit na ngiti. Tsk ayaw pang aminin.

" and? " maang na tanong ko.

" aysh... Sa susunod na linggo, na ang bloody moon... Meaning bloody war... At sinabihan ko na ang Hm nito na maghanda ang lahat... Kayo rin, at pakisabi mag-iingat siya at wag magpadala sa galit... Iba na siya Margie kahit tinanggal ko na ang pagka lamig ng puso niya ay namumuo parin ang galit niya... Sana mawala to bago ang lahat... Baka magpadalos dalos siya... Kaya bukas, dadalasan ko na ang pagdala sa anak niya rito para naman gumaan minsan ang puso niya... Yun lang at paalam sa inyo... Mag-iingat kayo" mahabang paliwanag niya kaya napatingin naman ako kay Shanaia na mahimbing na natutulog.

Ginawa lang naming iwasan ang heroes kasi nalamin namin na pag didikit kami sa kanila papatayin ng Shayene na yun esti Darrah sila kaya iwas iwas kami.

Nawala naman si Goddess Hoa. Umalis na. Humarap naman sakin si Cikey na may pilit na ngiti sa labi.

"kain muna tayo love.. Gutom na ako ehh" puot na saad niya kaya napa iling nalang ako.

"tara sa cafeteria habang tulog pa siya" saad ko at nag teleport na sa harap ng Cafeteria. Gutom narin ako at halos hindi kayang kainin ng utak ko ang mga nangyari.

_______________________________

Authors note:

Well well hehehe wala na si higad, ang laswa kasi niya ehh naaalidbaran ako hahaha.

Kindly vote and it's really appreciated.. Love lotsssss 💓

Xia_Lire_24 ❤️

WINTEROUS KINGDOM : The Goddess of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now