Kinabukasan alas-sais ng umaga ng magising ako. Maaga din kasi ng mapagdesisyunan kong matulog kagabi.

Abala sa mga gawaing bahay ang lahat sa mansion dahil ang sabi may bisita daw ang gobernador heneral mamaya mula sa Espanya at dito tutuloy ng dalawang araw bago bumiyahe pabalik.

Wala namang kaso sa akin kung may bisita si Luci mamaya, iyon nga lang kailangan kong makitungo ng maayos sa kung sino mang poncio pilatong bisita niya. Paniguradong dudugo ang ilong ko mamaya kakaintindi ng Espanyol.

Sana kahit mamaya magkaroon ng himala at bigyan ako ng Diyos ng knowledge on how to speak in Spanish para hindi ako maging kawawa mamaya.

What if magbasa ako ng mga libro sa library niya tapos pilitin kong intindihin?

Wag na lang pala, magkaka hemorrhage lang ako ng di oras.

"Ano na naman ang tumatakbo sa makitid mong kokote?" Halos matumba ako mula sa pagkakaupo sa upuan sa sala ng mansion ng may demonyong nagsalita mula sa hagdan.

Grabe naman makapanglait tong damuhong 'to! Kala mo kina-gwapo niya pagiging masungit.

Sinamaan ko siya ng tingin na kinataas naman ng kilay niya.

Kung sa panahon ka lang namin masasabihan ko to na bakla.

"Magandang umaga sa'yo Senior Citizen Luciano." Bati na may halong lait ko naman sa kaniya. Di bale, hindi niya naman maiintindihan yung Senior citizen eh.

"Hindi pa ako ganun katanda para tawagin mo sa ganoong titulo. Magandang umaga din sa'yo binibini." Ako naman ngayon ang napataas-kilay sa sinabi niya.

"Wala naman akong sinabing matanda ka na. Anong titulo sinasabi mo." Irap ko sa kaniya.

"Tinawag mo akong senior citizen."

Napaigtad ako sa kinauupuan ko at unti-unting lumingon sa kanya. Naintindihan niya?

Hindi ko akalaing maiintindihan niya ang sinabi ko... Teka paano niya naintindihan iyon?

"May kaalaman naman ako sa pagsasalita at pag-intindi ng salitang ingles." Naobvious niya yatang nagulat ako na naintindihan niya yung Senior citizen na sinabi ko.

May word na ba na senior citizen sa 17th century? Siguro. Naintindihan niya eh.

"Mahilig kang pumunta sa iba't-ibang bansa?" Tanong ko.

"Iyon ang aking trabaho bago ako pumarito." Ano kaya trabaho nito dati bago maging gobernador heneral?

"Traveler? Vlogger-- " wala pa palang ganun ngayon. "Tagahatid ng mensahe?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya na ngayon ay nagbabasa na ng dyaryo na in Spanish.

"Tagapamagitan sa bawat bansang nasakop ng Espanya." Wow ang gara naman pala ng trabaho niya.

"Hindi iyon ganoon kadali sa inaakala mo." Napangiwi na lang ako. Kahit anong trabaho naman hindi madali. Pero atleast nakakatravel sya all around the world.

Pangarap namin iyong magkakaibigan, kapag nakaipon na kami tra-travel kami around the world.

"May panauhin tayo mamaya. Maghanda ka at maging desente." Sinamaan ko siya ng tingin pero abala pa din siya sa pagbabasa.

La PeleaWhere stories live. Discover now