"Masyado kang matanong." Malamang dahil curious ako. Kahit sino naman mapapatanong.

"Tinangkang lusubin ng mga rebelde ang pagamutan kung saan ka nila dinala kung kaya't naisipan na lamang naming dalhin ka dito upang maimbestigahan ka kung bakit gusto kang itakas ng mga rebelde pagkagising mo." Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya sa sinabi niya.

Akala ko pa naman ay pino-protektahan niya ako kaya kinupkop niya ako. Iniimbestigahan niya pala ako. Naalala kong tinanong niya nga pala ako kanina kung kasapi ako ng mga rebelde.

"Isa pa, napag-alaman namin na ang kasintahan mong nadakip at napatay namin ay siyang anak ng pinuno ng mga rebelde." Dagdag niya. Hindi ko alam 'yan.

Kung anak ng pinuno ng mga rebelde si Danilo, ibig sabihin ang kutsero namin ang siyang pinuno mismo ng mga rebelde. Kinilabutan ako sa nalaman ko ngayon.

"Nakipagtanan ka bang tunay sa lalaking iyon o ikaw ay dinukot?" Napatingin ako sa maliwanag na plaza na matatanaw mula dito sa terrace at napaisip sa tanong niya.

Kinidnap ako pero napunta ako dito. Natagpuan ko ang sarili sa ibang panahong ito na nasa panganib pa din dahil sa pakikipagtanan ni Marriana.

"Sumama siya--ako ng kusa sa kaniya." Diretso kong sagot dahilan upang mapatingin siya sa akin.

Iniisip siguro niyang tinutulungan ko ang mga rebelde at nagtaksil ako sa pamahalaan. Hindi ko naman alam.

Isa pa kahit alam ko ay sasama pa din ako sa mga rebelde dahil masasama ang mga nanunungkulan sa panahong ito. Mapagsamantala at mapang-api.

Masiyado nilang minamaliit ang mga totoong mamamayan ng bansang sinakop nila. Sila na ang mga dayuhan, pilit nagsusumiksik sa bansang hindi naman kanila at aabusuhin ang kapos-palad. Tatawaging Indio, walang pinag-aralan dahil hindi binibigyan ng pagkakataong matuto.

"Bakit?" Ako naman ngayon ang napalingon sa kaniya.

"Bakit ka sumama sa kaniya?"nakatitig siya sa mata ko ngayon.

"Bakit ibig niyong magtaksil sa bayan at sa pamahalaan? Batid kong batid niyong kamatayan ang katumbas ng pag-aaklas. Hindi kayo nakukuntento sa ano mang pamamalakad ang gawin ng mga nanunungkulan." Mahaba niyang litanya.

Sinong sasang-ayon sa bulok na sistema ng pamamalakad nila? Hindi man ako nagmula sa panahong ito pero ganito din naman sa makabagong panahon.

Madalas ako noong nakikipag-away sa mga supporters ng mga pulitikong baluktot ang paniniwala sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Sila pa ang malakas ang loob na magalit. Ang tungkulin nila ay ang pagsilbihan at panatilihing maayos ang lahat pero naging kabaliktaran nito ang nangyayari kapag naluklok na sila sa pwesto, mga hindi marunong tumupad sa pangako.

Sila pa nga mismo ang nagkakagulo, mas magulo pa nga ang gobyerno kaysa sa lipunang kanilang nasasakupan. Nagpapataasan, pakitang-gilas na wala namang pinatutunguhan, siraan para tumaas at marami pang iba na kaiba sa dapat nilang tungkulin.

"Magulo ang gobyerno. Mas magulo pa sa mga mamamayan at mga rebeldeng pinupuksa niyo. Ang hangarin lamang nila'y kapayapaan, kalayaan at ang karapatan nila sa bansang pagmamay-ari nilang sinakop niyong mga dayuhan." sagot ko, pero imbes na magalit siya na siyang inaasahan kong reaksyon niya ay tumawa lang siya ng mahina. Kunot-noo ko siyang nilingon na nakangising nakatingala sa kalangitan.

"Malalim na ang gabi, maiging matulog ka na. Magandang gabi sa'yo binibini." Hindi niya tinugunan ang sinabi ko.

Tumalikod na siya at naunang pumasok sa loob ng mansion at iniwan ako doong mag-isang muli.

Totoo naman lahat ng sinabi ko, magulo ang pamahalaan at gobyerno, idagdag pa ang mga tiwaling nasa posisyon.

****

La PeleaWhere stories live. Discover now