"Do you think he likes a lady with make-up? Light lang ang gagawin ko para hindi halata."
We were in my room. She brought all her make-up to practice how to apply a natural make-up. Pinapanood ko ang video at binabasa ang mga comment ng dumating siya. Mabuti nalang at na-off ko kaagad iyon. Hindi niya narinig. Itinago ko iyon sa ilalim ng aking unan bago tumayo sa likod niya. Mula sa vanity mirror ay pinapanood ko ang ginagawa niya.
Naalala ko si Lawrence. Malayo sa amin, walang bahid ng make-up ang mukha. Kahit ang kilay ay natural na gaya ng akin samantalang ang kay Bethanie ay pinagawa niya sa salon. Sa murang edad ay plakado na ang kilay niya.
"The simplest the better, Beth."
Huminto siya sa paglalagay ng concealer nang mapagtanto ang sinabi ko. "Right." Mabilis siyang kumuha ng wipes at inalis ang kung ano sa mukha. "You know Sheena. Batch mate ni Lawrence. I heard her lips is not natural. Naka-lip filter siya."
There was something like that? Namilog ang mata ko. "Really?"
"She's beautiful but her face is not natural."
I wanted to say her eyebrow wasn't natural but I ended up smirking. "Don't tell me you have plans for a lip filter."
"Duh! No way!"
Tumaas ang kilay ko. "Sheena's lips doesn't look filtered though. Ayaw mo no'n? Hindi ka na maglalagay ng lipstick."
"Still no."
Ngumisi ako, may pakiramdam na gagawin niya iyon ng hindi ko nalalaman. Kahit naman noon sa kilay niya, ganyan na ganyan ang sinabi niya pero sa huli kung hindi ko pa nahalata ay hindi siya magsasabi.
"Nag-text na ako sa kanya."
Tinali ko ang aking buhok into a messy ban. "Paano kapag hindi siya pumunta?"
"Kakausapin ko na siya sa school."
"Ikaw ang bahala."
Pagkalabas niya, muli kong kinuha ang cellphone ko at binuksan.
Junno: Maraming request ng music na puwede mo i-play. Magandang interaction iyon.
Junno: Puwede ka ba sa Sabado?
Junno: Don't mind the negative comments.
Junno: Dahlia?
Junno: They named you amazing chic drummer
Junno:?
Ako: gumawa ka ng screen name ko
Junno: What do you want?
Ako: Aeri?
Junno: That's close to your second name
Ako: I don't care. They won't know that it is me.
Junno: Whatever you want, I'll do that
Ako: Aeri then
Junno: Bagay sa'yo ang short at loose white t-shirt habang nag-play ng drum.
Ako: Very chic?
Junno: laughing out loud emoticon
Ako: I am comfortable with it. It's fine.
Cameron Oswold III: Did you apply the cream?
Bahagya akong nagambala ng message na kakapasok lang.
Mag-reply ba ako?
Sa huli ay hindi ko pinansin, mas piniling si Junno ang kausap. May mga message galing kay Marko at Clarence pero hindi ko binasa. Natulog akong nagkasundo kami ni Junno na sabay papasok at uuwi bukas para makapag-ensayo ako. Right! I should focused in it and not to Cameron.
YOU ARE READING
Burning touch
ChickLitNamulat si Dahlia Aeria Escubar sa isang malayong isla ng Malinao,gamit ang pangalang Katya Valenzuela. Tahimik at simple ang buhay niya roon, malayo sa makisig, mayaman at guwapong lalaki na nanggaling sa Maynila, Cameron Oswold III. Lumapit sa kan...
Chapter 10
Start from the beginning