CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Scroll up and down ang ginagawa ko. Facebook habang nakahiga sa kama. Hinihintay ko kasi 'yong chat niya ng mapahinto ako dahil sa nabasa ko.

"I Love you, Mahal," basa ko isang comment sa profile picture ng girlfriend ko. Una hinahayaan ko baka kasi fans lang nang girlfriend ko hindi sa pagyayabang maganda at sikat ang girlfriend ko sa school kaya marami talaga ako kaagaw. Hindi ko alam kong bakit na-stalk ko ang account ng girlfriend ko.Napa kamot na lang ako ng ulo ko habang may mababasa ako na maraming may gusto sa kanya.

"Hoy! Kakain na, ini-stalk mo na naman girlfriend mo 'no? Wala ka ng pag-asa may iba ng nilalandi 'yon," pang-aasar nito sa akin.

"Mahal ako no'n," depensa ko, pero deep inside kinakabahan ako. Paano kong totoo?

"Sus! Tignan natin,"sabi nito ng mga nakapaksil na ngiti sa kanyang labi.

"Charlie nauubos ang pagkain namin ng dahil sayo!"

"Bukas magdala na ako ng bigas dito, Bakit parang bad mood ka?"

"Paanong hindi ma-bad mood si kuya besh? Hindi nag paramdam ang jowa."

Umpisa hanggang sa matapos ang hapanun bunganga lang ng dalawa ang naririnig ko. Ang kapatid ko na babae na si Stef at ang kababata niya si Cherlie, malayo-layo ang bahay ni Cherlie sa amin. Nag-iisang anak lang ito kaya boring sa buhay parating narito sa amin. Okay naman lalong-lalo sa magulang namin.

"Hindi pa nag-reply?"

"H-hindi pa."

"Simula kaninang umaga?"

"Simula pa kagabi!"

Long Distance Relationship kami ng Girlfriend ko, mahirap pero kinakaya. 

"Matulog ka na huwag mo na hintayin magpahinga ka na. Uwi na ako."

"Kaya mo umuwi mag-isa?"

"Ano akala mo sa akin weak?" siga nitong sabi sa akin.

"Ingat ka."

"Thanks! Ikaw din ingat?"

"Ha?"

"Wala. Uuwi na ako!"

"Sigurado ka talaga na kaya mo?"

"Oo!"

Minsan hindi umuuwi si Cherlie. Dito natutulog sa bahay pag-alam niyang gabi na, nagtaka lang ako ngayon medyo malayo nang konti ang bahay nila sa bahay namin.

"Bakit umuwi si Cherlie?" tanong ko sa aking kapatid.

"Maaga sila ng mama niya bukas sa bayan."

Pumasok ako nang kwarto sabay higa sa kama, ano kaya nangyari sa babae na 'yon? Ngayon lang 'to nangyari. One year and two months bilang long distance relationship na relasyon. Sobrang hirap malayo kayo sa isat-isa tanging phone lang ang naging paa mo para mapuntahan siya, ang phone lang naging kamay mo para mayakap siya, ang phone lang naging mata mo para makita siya at last ang phone lang naging labi mo para mahalikan siya. Subrang Hina mo kong hindi mo makayanan ang long distance relationship. Trust, understanding and love lang ang kailangan ng isang long distance relationship na relasyon.

Nakatulog na lang ako sa kakahintay ng kanyang chat. 

"Hoy gising!"

"Ang aga mo naman."

"Edi, good morning!"

"Bakit?"

"Tara basketball tayo!"

"Babae ka ba? Daig mo pa ang lalaki kong pumorma!" maluwag na t-shirt na kulay puti at malaking short ang suot nito.

"Bakit? Lalaki lang ba marunong magsuot nito?"

"Mauubusan na talaga ng damit ang papa mo ng dahil sayo, hindi ka ba binibilhan ng damit ni tita?"

"Binibilhan!"

Walang ganang sabi nito sa akin, "Eh, bakit mga ganyang damit ang sinusuot mo?"

"Dito ako comportable! Bangon na! Hintayin kita sa labas."

Bago ako bumangon kinuha ko muna ang phone kong may text na ba galing sa mahal ko. Pero napawi lang mga ngiti ko sa labi kahit isa wala ako may na tanggap.

"Ohh! Anong mukha 'yan, Lee? Hindi pa rin nagparamdam?"

"Hindi!"

"Ano plano mo? mag dalawang araw na ha!"

"Wala, gaya ng dati maghintay kong kaylan magparamdam"

"Tanga! Oh pasa mo sa akin ang bola, Lee!"

Natapos ang laro namin ni Cher. Binuksan ko 'yong account ko mukha niya agad ang nakita ko. Kakapalit lang ng profile picture? Online pero hindi nag paramdam sa akin! Hindi ko alam kong ano 'yong mararamdaman ko sabagay sanay na ako.

"Ohh! Online pala, kuya. Sayo, besh?"

"Oo! Sayo Lee?"

"Mga abnoy! Natural online iisang account lang ang gamit n'ya!"

"Bakit galit ka? Malay ba namin ni Cher kong naka-block ka?"

"Bunganga mo Stef, masasaktan ang kuya mo!"

"Sus! Paulit-ulit na ginagawa sa kanya ang ganyan kaya sanay na. Sabi sayo may iba na!"

Hindi nila gutso ang girlfriens ko kaya ganyan sila mag react, napatingin ako sa aking phone ng tumunog yong messenger ko.

CHERLIE SENT A PHOTO

Ang lakas ng tibok ng aking puso  gusto ko umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko. Convo ng girlfriend ko at ng isang lalaki, kaya agad ako pumunta sa likod nang bahay kong saan parati ako tumatambay.

"Kuya! Alis muna kami" rinig kong sigaw ni Stef.

"Maniniwala ka na ba sa sinasabi namin? Na may iba na siyang kalandian?"

Agad ko pinunasan ang mga luha ko, "A-akala ko umalis na kayo?" nagulat ako ng bigla sila sumulpot sa harap ko.

"Hindi mo naman kailangan itago sa amin na umiiyak ka!"

"Kayong dalawa, parati niyo ako iniisahan!"

"Lee, kong ayaw na sayo ng tao huwag mo na ipilit ang sarili mo, una pa lang binigyan ka na ng sign. Pero patuloy ka pa rin naging tanga at bulag-bulagan sa katotohanan!"

"Nagmahal lang ako, Cher!"

"Pinagpalit ka sa malapit ang sad, kuya! Pangit na nga may gana pa magluko!"

Niyakap ako ng kapatid ko ng sobrang higpit.

"Hayaan mo kuya, marami pang iba na-deserve ang love mo." 

"Nandoon na tayo sa nagmahal at loyal ka. Ginagamit ka lang. Selfish ang girlfriend mo!"

"Sa simula pa lang iba na ang pakiramdam ko sa babae na 'yon, ayaw mo lang maniwala sa akin araw-araw kita sinasabihan," biglang sabi ng kapatid ko.

"Teka, Cherlie! Saan mo na kuha ang send mo sa akin?"

"Sa my day niya mismo."

"My day?"

"Hindi niya alam na kilala ko kayo ng kapatid mo, seguro naka-mute ka sa account n'ya kaya hindi mo nakikita ang mga post at my day."

"So, ibig sabihin matagal ka nang niluluko ng jowa mo, kuya!"

PAINWhere stories live. Discover now