Chapter - 19 - The Past

Start from the beginning
                                    

Governor Anton Villarama, is he for real?

Pakakawalan niya ba talaga si Jema?

"Suntok sa buwan ang pinasok mo Beatriz." sabi ni Ponggay when I told her about it.

Yes, being my BFF, she needs to know what is happening in my life. Ewan ko lang kung sasabihin niya ito sa buong tropa.

"How can you say that?" I asked.

"First of all, did she tell you that she loves you too?" tanong niya.

"No, but ahhh, hmmm......" hindi ko alam ang sasabihin.

"Exactly what I thought! You are not sure how she feels. Kahit siguro siya hindi rin sigurado. Baka nabibigla lang si Madam Gob. Dahil ikaw ang nandiyan sa tabi niya kaya she turns to you for support. Remember, never pa siyang nagkaroon ng relasyon sa kapwa babae. Kaya wag kang magagalit sa akin kung may doubt ako. I don't want you to be a rebound bro. Mahal kita at ayaw kong masaktan ka uli." she said.

"She assures me though that we will have a chance when she gets away from Anton." I replied.

"Anything can happen, bro. All of a sudden, she might change her mind or even governor Anton. What I'm saying is, dahan dahan naman sana. Kaso ang tingin ko sayo, dalawang paa mo na ang nahulog. Mahirap ng makaahon kung sakali." she said.

"Pongs, kaibigan ba talaga kita? I am happy. Ngayon na lang uli ako naging masaya dahil sa isang tao, alam mo yan. When Jho left me, I was shattered and devastated. Kaya nga ako umalis at kinalimutan na ang lahat pati ang propesyon ko dahil sa kanya. Alam mo kung gaano kahirap yun sa akin di ba? Now that I found someone, please pagbigyan mo na ako. All I want from you is a bit of support. Why can't you give it to me?" I asked.

She paused. Ang tagal, akala ko nga naputol na ang linya.

"Pongs, are you even listening?" tanong ko.

"Hey, hey. I'm not the enemy here bro. I know all about you and Jho at hindi ko nakakalimutan ang mga pinagdaanan mo sa kanya. I just don't want it to happen again kaya sana, i-sure mo muna yang nararamdaman mo kay Mrs. Villarama. I'm sorry if I'm being too brutal in my opinion. That's what friends do, di ba? Pero ikaw pa rin ang masusunod dahil buhay mo yan. I will support you naman whatever happens kaya huwag na magalit please." sabi niya.

Medyo natauhan ako. Tama si Ponggay, she is just being a friend to me. She will listen but after that, she will tell me the truth whether I like it or not. Hindi porke friend natin sila, yung gusto lang natin marinig ang sasabihin nila? Mali nga naman ito. Kahit gaano pa ito kasakit, Ponggay will tell me. At kailangan kong tanggapin ito.

"I'm sorry too bro. I am aware of all the things you said. Lahat naman ito ay tama. Siguro nga, I have to slow down. Wala naman kaming hinahabol ni Jema." sabi ko.

"I love you bro, alam mo yan. Basta take care of your heart pa rin ha. I'm just here for you." she replied.

"Thank youuuuuu. I love you. Catch up soon. Ingat ka." pagtatapos ko sa usapan namin.

The big event arrived. Ginawa ito sa isang private resort ng mga Villarama sa Boracay. Yup, they own a property here. Halos lahat naman ata ng politiko sa Pilipinas ay nakabili na ng lupa dito. Sabay sabay kaming dumating dito although public plane ang sinakyan namin. Siempre sa private plane sila Gob Anton and family. Parang bakasyon na rin ito dahil 2 days and 3 nights kami mamalagi sa isla.

"Iba yata ang porma natin ngayon BDL ah?" sabi ni Tukne while looking at me.

"May problema ba sa damit ko?" I asked while laying my towel down.

"Wala naman. Nanibago lang ako. Para ka kasing artista sa suot mo. Naka dress ka e. Hindi ako sanay dahil lagi kang nakapantalon." he replied.

"Hindi naman kasi bagay mag dress habang nasa work natin. Ini-aangkop ko lang ang suot ko sa lugar Tukne. Eh ikaw nga naka shorts, wow legs ka pala. Sobrang puti mo with matching hairs. Now lang naarawan yan? Hahaha." tanong ko sabay tingin sa kanya.

The ProtectorWhere stories live. Discover now