" Halaaaaa! Sorry " natatarantang sabi ko sabay lapit at tinignan ang balikat nito, umalis rin ang pusa sa balikat niya at naupo sa kandungan ni Hayden na naka-upo sa isang sulok at tahimik na kumakain ng prutas.

Habang tahimik namang nagmamasid sa amin ang mga mag-pi-pinsang Vallderama.

Hinila ko ang laylayan ng damit nito sa bandang balikat upang makita kung nagkaroon ba ng sugat. Inilapit ko ang mukha dito upang masuri ng mabuti. Pero mukhang wala naman yatang sugat.

Napatingin naman ako kay Hades, ngunit isang pagkakamali iyon dahil halos isang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin. Wala sa sarili tuloy ay napatingin rin ako sa mga berde nitong mga mata. Para akong dinala dala nito sa ibang dimensyon dahil hindi ko maalis alis ang paningin ko dito.

Dumapo naman ang paningin ko sa mamula-mula nitong mga labi na na-kaawang, para ako nitong hinihipnotismo. P-parang gusto ko itong halikan *gulp* pakiramdam ko rin ay pulang pula na ang pagmumukha ko dahil sa mga naiisip ko.

Akmang ilalayo ko na sana ang mukha ko dito ng mas inilapit pa nito ang mukha niya. Parang may karera tuloy na nagaganap sa loob ng dibdib ko at mga paro-paro na lumilipad sa tiyan ko. Kakaiba rin ang nararamdaman ko. Ganon nalang ang kabang naramdaraman ko ng mas inilapit pa nito ang muka sa akin.

Halos maduling na nga ako dahil sa sobrang lapit nito. Naaamoy ko rin ang mabangong hininga nito. Amoy Strawberry na may halong mint. Para namang mapupugto ang hininga ko ng magdikit ang mga labi namin. Natulos naman ako sa kinauupuan ko.

Buong buhay ko ay hindi pa ako nakakahalik at wala pa akong hinahalikan na kung sino man. Nangako kasi ako sa sarili ko na ang lalaking makakakuha ng unang halik ko ay ang lalaking papakasalan at mamahalin ko.

Inilayo niya ng bahagya ang mukha niya sa akin at nagsalita. Hinawakan ako nito sa pisngi at hinimas iyon.

" I really, really like you Mi Reina, from then until now, sayo lang titibok ang puso Kong ito, ipinapangako ko na hinding Hindi na Kita hahayaang nawala pa sa piling ko " nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko siyang nagsalita ng tagalog

Nanindig ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Ito kasi ang unang pagkakataon na narinig ko siyang magsalita ng tagalog. Kadalasan kasi ay puro English ang mga sinasabi niya. Nakakamangha lang dahil lalaking lalaki ang dating at ang sarap pakinggan.

Pero teka, ano daw? From then until now? Eh? May gusto na siya sa akin noon? Pero paanong nangyari yon kung bago lang kami magkakilala?

" T-teka a-anong sabi mo? G-gusto mo ako? " Nanlalaki ang mata na tanong ko dito ng mapagtanto ko ang unang sinabi nito

" Hmmm, I like you very much Mi Reina " sabi nito habang inilalapit ang ilong nito sa leeg ko.

Kasing pula na tuloy ng kamatis ang mukha ko. Hindi ko maintindihan kung ano ang i-re-react ko sa sinabi niya. P-parang ang bilis naman kasi. Bahagya ko itong itinulak dahil masyado na akong naiilang sa posisyon namin, isama mo pa ang nanunuksong tingin nila Nanay sa amin.

" K-kailan pa? "

" Since the day I laid my eyes on you, I can't take my eyes off you, so are you unique in very girl I meet " napanganga naman ako sa sinabi niya, hindi makapaniwala at hindi kayang iproseso ng utak ko ang mga sinabi niya ngayon sa akin.

" I like you, so please don't change your attitude towards me, I like you but please don't stay away from me, I'm begging you Mi Reina. " Sabi nito na may halong paki-usap

Ilang araw narin ang lumipas ng sinabi sa akin ni Hades ang mga katagang yan. Na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan. Paulit ulit kasing nag-re-replay sa akin ang mga sinabi niya. Nakalabas na ako ng Hospital ay yan parin ang nasa isip ko.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now