Prologue

2 0 0
                                    

"Lord, malapit na akong mag-27 — few months from now, baka naman pwede na?"

"Hindi, actually okay lang po pala sakin, I still have a lot of things to do and dreams to fulfill"

"Pero gusto ko na pong magka-boyfriend, Lord huhuhuhu"

"Ah hindi! Uso naman ngayon yung single hanggang sa pagtanda! Career woman ganon!"

"Gaga! Anong career woman, career woman! Wala ka pa ngang stable na trabaho!"

Ah ewan! Sumasakit na yung ulo ko sa kaiisip. Nagtatalo yung dalawang natitirang brain cells ko! My gosh!

3am na pero gising na gising pa din yung diwa ko sa kaiisip kung magkakaron pa ba ako ng boyfriend! Kasi naman no, yung mga friends ko may jowa na, kasal na, may anak na! Samantalang ako — ito mukha pa ding patatas.



Nagising ako sa nakakarindi kong alarm! Parang katutulog ko pa lang tapos babangon na kaagad. Ito na naman. Papasok na naman si bakla! Same routine everyday.

Dumiretso na ako sa cr para maligo kasi saktong-sakto lang talaga yung oras ng pagreready ko for work and I don't have time na to prepare for my breakfast.

After kong maligo, bihis, lagay ng baby powder sa mukha, lipstick and boom! Ready na si girl pumasok! Hindi ako mahilig mag-makeup kasi hindi naman ako marunong tsaka di ko talaga bet, on special occasions lang talaga kung
maglagay ako ng makeup.

Shocks! 15 mins na lang 8am na! Nag-aabang ako ng jeep pero punuan na lahat! Hindi ko naman afford mag-tricycle kasi 75 pesos agad eh ang lapit lapit! And also because may pinag-iipunan ako so wait wait lang tayo ng jeep.

10mins na lang beh! Male-late pa ata ako! Jusko makakaltasan na naman sahod ko nito eh. Ops yan na jeep!

"Manong pasakaaaaay!!!" Kuntodo kaway pa ko sa jeep! Sumakay na ko kahit kakarampot lang ng pwet ko yung nakaupo. Lapot na lapot na ko ha infairness!

"Bayad po! Diyan lang po sa may Jollibee sa pangatlong kanto"

"Para poooo!!!!!"

I checked my watch and it's already 7:57! 3 minutes na lang! Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa makarating ako sa biometrics!

"Abooooooot bakla!"


Thank You po at umabot ako ng 8am hehehehe. Walang bawas sa sweldo!!


Bakit parang pakiramdam ko ang daming nakatingin sakin? Paglingon ko sa paligid — halaaaa! May pila pala huhuhu sorry po. Dahan dahan kong nilagay ang bag ko sa mukha ko at dahan dahang naglakad.

Pero bago pa ako makahakbang may kamay na kumapit sa braso ko.

"Miss, I think you should apologize"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WILL IT COME?Where stories live. Discover now