Aaron's Point Of View
"Muka atang masaya ang gabi mo ah" Sambit ni Justin habang naglalakad kami papunta sa bleachers para makain ang mga binili namin sa canteen
Ngumiti lang ako
Tama, masasabi ko nga na masaya ang gabi ko. Kahit puyat, ok lang. Nakasama ko naman sya
Nang makaupo na kami, hindi parin mawala ang ngiti ko. Ewan ko ba, nababaliw na ata ako sa kanya
May tumabi saakin, kaya tumingin ako
"Supp?" Sabay subo nya ng fries
"Close na kayo?!" Gulat na tanong ni Justin
"Bakit naman hindi?" Sagot ni Hyacinth kaya napangiti ako at nakita ko rin ang malaking ngiti ni Justin
Tumahimik saglit
"Bakit pala 'di ka doon oh" Sabag nguso sa kabilang bleachers dahil nandoon yung mga kagaya nyang section 1
"Wala lang, bakit ayaw mo ba ako dito?"
Tumahimik nalang ako
Baliw! Ano ka ba! Syempre gusto ko nandito ka sa tabi ko 'no! HAHHAHAHAHA
"Quiz nyo na pala mamaya 'di ba? Goodluck!" Ngiti nya sabay alis sa aking tabi
'Di ko rin mapigilan ang ngiti ko, kaya kusa itong umuukit sa labi ko
"Talaga nga naman, siguro mataas makukuha mong score mamaya" Sabay tusok sya ng daliri nya sa bewang ko
"Tumigil ka nga r'yan Justin!" Sabay suntok ko sa kanya
"Aray!"
"HAHHAHAHA"
Dumating na ang aming pagsusulit para sa asignaturang matematika
Maglakalayo ang aming upuan, one seat apart upang hindi makapagkopyahan pero wala na saakin yon HAHAHAHA tinuruan lang naman kase ako ni Hyacinth hehe
Isa-isang inaabot ni Ma'am Santa ang test paper saamin at nang makarating na ito saakin
"Aaron, puro bagsak quiz mo. Pag eto bagsak parin, ewan ko nalang talaga sayo" Sambit nito
"'Wag kayong mag-alala ma'am, baka nga iperfect ko pa ito e" Sagot ko sabag abot ng test paper na ibinibigay nya saakin
"Talaga lang ah"
Mataas ang kumpyasa kong maipapasa ko ito, ewan ko ba kung anong nagawa saakin ng Hyacinth na yon
Ngumiti ako nang makita ko ang mga tanong
"Basic"
...............
"HAHAHAHAHAHA 23/50?! Hindi ka man lang nakakalahati" Pang-aasar saakin ni Justin habang tinitignan ang test paper ko
Andito kami ngayon sa Moonriser, sa may karinderya, kanina pa kaming nakatambay dito, gabi na nga e
"Bakit ikaw?! Ilan ka ba?!" Tanong ko sa kanya
Binuksan nya yung bag nya at inilabas ang test paper nya
"41 lang naman" Sabay aro nya ng test paper sa aking muka
"Ang yabang-yabang mo pa kay ma'am Santa kanina" Tawa nya sabay tapik sa likod ko
'Di na ako nakasagot at tumingin nalang sa malayo
Okay lang 'yon, babawi nalang ako next time
"'Musta quiz?!" Nagulat ako nang may umakbay saakin
STAI LEGGENDO
Don't leave me Hyacinth
Storie d'amoreAng kanyang ngiti na nakakapagpabago sa lahat, para bang isang liwanag sa gitna ng dilim. 'Di ko masabi kung anong meron ka, bakit sa t'wing kasama ka, damdamin ay sumasaya. Ayokong mawala ka, maipapangako mo ba?
