Sabe nila, hindi lahat ng tao, nabibigyan ng Second Chance. Minsan o bihira lang naman kasi talaga ito nangyayare.Meron din naman na nagsasabe na ang mga Second Chances ay nangyayare lang para sa mga taong talagang destined for each other.
Pero what if, what if lang naman, binigyan ka nga Second Chance pero marealize mo na ibinigay ito sayo ng tadhana sa pinaka masakit at pinaka hindi mo inaasahang paraan.
Susugal ka pa ba? O hahayaan mo nalang anurin yun na parang tubig sa ilog, rumagasa ng mabilis, dumaan at pinalampas nalang?
Ako? Hindi ko rin alam kung anu ang pipiliin ko.
Pero isa lang ang malinaw sakin.
Kahit nakatanaw ako sa malayo, kahit di na kame pwedeng magsama o magkita, pipiliin ko parin sya.
Araw-araw.
Kahit malabo. Kahit magulo. Kahit imposible.
Kahit wala nang pag asa o pagkakataon.
Kahit napakasakit. Kahit parang wala na akong mamaramdam pang iba.
Dahil isa lang naman ang malinaw sakin eh.
Mula noon hanggang ngayon, sya lang ang nilalaman ng puso ko.
Kahit di nya alam at kahit di nya pa malaman.
Mahal na mahal ko sya.
Ang pag ibig, hindi ipinagdadamot, kahit hindi nila maramdaman at kahit hindi nila maibalik yun sayo. Kasi di ba, love is the most genuine feeling ever.
Love is all about giving. Yung hindi naghihintay ng kapalit, even if I give her my very existence, and even if she will never love me back. For me, it will all be worth it.
Because I will trade everything I have. Makitang naka-ngiti syang muli.
Ganun ko sya kamahal.
Ang tunay na pag-ibig, hindi namamatay. Ito ay walang hanggan.
Even if fate will not allow me to have a second, third, fourth or endless chances.
I will never regret.. Because even in dreams, I will and choose to love her.
Because love, it is beyond forever.
![](https://img.wattpad.com/cover/285001625-288-k497308.jpg)
YOU ARE READING
The Lost Chances
FantasySabe nila, minsan lang daw dumadating ang Second Chance. Meron din naman nagsasabe na ang mga Second Chances ay nangyayari lang sa mga taong talagang itinadhana ng pagkakataon para sa isa't isa. Pero anu nga ba ang mas mahirap? Ang marealize na tama...