Pilit na kakalabitin ni Rubie ang abalang si Janice, "Sis... Sis... Sis!!!", nagulat ang lahat ng staff doon sa pagsigaw ni Rubie. Magkaka-malay si Janice at tuloy sa trabaho ang ibang journalist.

"A... ako?", tanong ni Janice na nagtanggal ng balabal upang lumantad ang sando

"Hinde Hinde...si Rhyna!", banggit ni Rubie sabay turo kay Rhyna sa gilid

"Eh, paano nga iyan magkakaanak wala pa ngang magpupunla ng anak diyan nuh!", sabi ni Rhyna, makikipagtawanan kay Rubie at mag-aapir

"Hoy!", banggit ni Janice na tumalikod at humarap sa dalawa, "Ano ba ang alam ninyo sa pagpapamilya? Sino ba sa atin ang gurang!", titingin kay Rhyna, "...na naka-500 marriage proposals na ginawa sa kanyang mga boyfriend pero ni-isa walang pumatos!"

"At sino naman ang iniwanan ng boyfriend!", titingin naman ng dahan-dahan kay Rubie, "... na ang pakay lang pala eh pera!". Tatahimik ang dalawa pang kausap at magpapatuloy si Janice, "Pwede ba, huwag niyo na akong idamay sa mga kalandian ninyo! Masaya na ako sa trabaho ko"

"Eh, sis! 'yan nga ang problema sa'yo, alam mo in five seconds... four minutes... three hours... two days... one month... lalo kang papangit. Sineseryoso mo lagi ang pagtatrabaho! Give yourself time to relax... to be inspired!", banggit ni Rubie

"And Sis... mauuna pa yatang magka-anak iyang pimple mo sa baba mo kaysa sa iyo, oh!", wika ni Rhyna na nanatiling nakatayo. Titignan ni Janice sa maliit niyang salamin sa lamesa ang taghiyawat na namumuo sa baba ng kanyang panga.

"Oo nga ano!",sambit ni Janice na sumimangot, "What the fa..."

Titirisin sana ang pimple ngunit mapuputol ang usapan ng tatlong dilag nang dumating galing sa main door ang manager na pawang may hinahagilap na tao. Magtitinginan ang lahat sa kanilang boss.

"Hep, hep, hep...", malungkot na tinig ng Manager, "Isang minuto munang katahimikan para sa naging mahusay na editor sa ating department. Sa mahigit na limang taong serbisyo na kanyang inilaan sa ating buhay-buhay, ipinamalas niya ang kanyang angking pagtitiyaga at pagkamasikap. Naaalala pa natin noon na lagi siyang nagdadala ng fortune teller cards tapos ilalabas niya kapag break para hulaan ang isa-isa sa atin, nakakatanggal din ng pagod kasi hinahaluan niya ng patawa ang ilang mga prediction niya. Masarap din ang minsang pagbabaon niya ng Kare-kareng pating na iniluluto niya rin sa kanyang mga jowa at ipinapatikim sa atin. Ilang beses ding naging 'Employee of the Month' itong kasama natin na nanlilibre sa Max's kapag nakakuha ng 13th Month Pay. Nami-miss din natin ang lagi niyang pagba-back flip sa mga intermission number sa ating anniversary at ang nakaraang Halloween party na hindi na nag-effort mag-costume kasi nakakatakot na ang kanyang itsura...", luluha ng kaunti habang nararamdaman na rin ang pangamba sa iba pang kasama

"Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa inyong lahat! Kahit ako ay masyadong nagulat sa balita na na-receive ko mula sa mga duktor ng ospital at kamag-anak ni Jaynel. Sa mga nakaraang araw na iniwan siya ng kanyang foreigner na boyfriend... Hindi siya kumain! Bago siya pumasok sa ating department ay agad nahilo sa daan kaya't dinala siya sa pagamutan. Tiniis nito ang napakahapding pag-injection ng mga kung anu-anong gamot upang matanggal lang ang Goiter. Ginawa niya din ang lahat. Lumaban! Sinikap ng mga duktor at nurse na iligtas siya pero hanggang doon na lang talaga!...", patuloy ng lumuluhang Manager

"Ba... bakit?", bulong ni Rhyna mula sa malayo

"Guys... wala na...", sambit ng Manager

"Ano???", banggit ni Rubie na nangangamba. Ang lahat ay kinakabahan at nagluluksa.

"Wala na...", patuloy ni Manager na tumutulo rin ang uhog sa pagluha, biglang mag-iiba ng mood, "Wala na ang goiter sa leeg ni Jaynel! Magaling na siya!"

"Ano daw?!?", wika ni Janice na paluha na pero napigil dahil sa magandang balita. Bumalik sa masayang mood ang lahat pero patuloy pa rin ang pagluha ng Manager. Magtatanong ang janitor na naglilinis sa tabi... "Eh, Sir? Bakit po malungkot pa rin kayo?"

"Eh paano...", patuloy ng Manager, "Kinausap ako ng duktor sa probinsiya nila na kailangan pa ring magpahinga ng ilang linggo si Jaynel sa ospital para ma-monitor at makapagpahinga mula sa karamdaman. Paano na matatapos 'yung Investigative Report na binigay ko sa kanyaaaaaah?", iyak na parang bata, "Any volunteers?!", at titingin sa buong staffs

Nakatayo sa isang tabi ang tatlong magkakaibigan at biglang sasabihin ni Rhyna kay Janice na may isa pa siyang kunwaring taghiyawat sa kilikili. Itataas ni Janice ang kanang kamay upang tingnan ito. Mapapansin ito ng Manager.

"Oh yes! Salamat Ms. Behosano! I'm expecting you to help me for this!", lalapitan ng Manager si Janice at ibibigay ang mga folders, "Heto ang report!", at titingin sa iba pa "Continue your works, Guys!"

Aalis ng masaya ang lalaki at pupunta sa kanyang sariling opisina. Iiwanan niyang nagtataka si Janice habang sina Rhyna at Rubie ay full support sa kanya. Sa hindi na pagtanggi ni Janice sa nangyari, magsisipagbalikan sa kanilang cubicle ang dalawa.

"Good Luck Sis! You can do it!", bulong ni Rhyna at kikindat kay Janice

"Ano daw?!?", wika ni Janice.

Kinabukasan, nagsimula na si Janice sa pananaliksik at paggawa ng imbestigasyon mula sa binigay sa kanya ng Manager. Tumututok siya lagi sa harap ng kanyang kompyuter. Nariyan na nagbabasa ng mga libro at iba pang artikulo sa mga magasin at pahayagan upang makapagdagdag ng ideya. Tinatanggap niya rin mula sa mga fax machines ang substantial reports na ginagawa ng NBI upang makatulong sa ginagawang article. Iniipon niya ang mga papel na ginagamit at mga nai-pi-print para sa mas malalim na pag-unawa at mas mabilis na pagkuha ng impormasyon. Gaya ng kanyang ipinanalo sa National Journalism Awards, ang pagtatrabaho sa kanyang kuwartong parang library sa bahay ay kanya muling isinasakatuparan. Kung minsan ay napupuyat, patuloy pa rin ang pagtatrabaho niya kahit sa loob ng jeep. Lumipas ang ilang mga araw , nagsusulat na rin siya ng draft sa MICROSOFT WORD at nagseset-up ng interviews sa mga tao. Ibinuhos ni Janice ang kanyang superpowers para sa espesyal na proyektong ito.

If we fall in-luvWhere stories live. Discover now