"Technically, I am Katya and Dahlia. But Katya is not existing. You guys should call me Dahlia. Hindi ako anak nila Tatay Rufino."

Tumingin silang lahat kay Tatay at Nanay. Malungkot na yumuko si Nanay, nilapitan ito ni Tatay para aluin.

"I'm sorry guys. Wala akong natatandaan sa nakaraan ko, pero ngayon... kahit papaano ay may naaalala na ako." Bumaling ako kay Third. "Where's my twin? Any words from, Bethanie?"

Nagtangis ang bagang niya.

Lumingon sa kanya ang nakatatandang kapatid, may gustong sabihin ngunit hindi isinatinig.

"Hindi ko iisipin na hinahanap mo ako. That's impossible. Let's say your yacht really fell into trouble and that made you came to this island. Wala tayong relasyon. Ang Katya na nakilala mo ay... wala na." Umiwas ako nang tingin. Hindi kinakaya ang intesidad ng paninitig niya. "For sure by now..." Lumingid sa kamay niya ang atensyon ko. Wala akong nakitang sing-sing doon. "You are married with her. Ilang buwan na rin akong narito. Wala akong matandaan. Wala akong ideya sa mga nangyari habang wala ako."

"Bethanie is—"

"What is your plan now?" putol ni Third sa dapat na sasabihin ng kapatid niya.

Dito ako bumaling. "What's with Bethanie? Hinahanap ba niya ako?"

Nagkaroon ng pag-aalinlangan sa mukha nito. Napakamot ng batok bago lumingon sa kapatid. Tila humihingi ng saklolo sa isang oral recitation na hindi nakapag-review.

"She's in Owl City Main," Third coldly said.

Tumango ako. Saglit na nag-isip.

If Bethanie was my best friend. Why she was not looking for me? Even my brother? Where the hell was my brother by the way?

The thought of living in the Island for how many months without any trace of them looking for me made my heart broken. Lalo sa sariling kapatid! Hello! Kadugo niya ako, kakambal pa! Bakit hindi manlang niya ako hinanap?

Una ko pang nakita itong si Third!

"How many memories do you remember now?"

Nanatili akong nakayuko habang salo ang ulo. "You as our senior." Nag-angat ako ng tingin sa kanya nang wala siyang sinabi. Siguro ay nagtagumpay ako sa gusto ni Bethanie. Wala lang siyang naging choice noong makita ako rito. Bukod sa nasiraan siya ng yacht, siguro distracted siya sa akin.

Samahan pa na masyado akong aggressive at agad nagpakita ng interes sa kanya.

Siguro ay natauhan siya at hihingi ng tawad kay Bethanie.

Nag-iisip na iyan ng ipapaliwanag sa fiancé niya. Kung paanong uuwi agad para sa totoong mahal niya. Naging temptation lang ako sa kanya.

"Don't overthink, please. It's unhealthy and not safe."

"Tama siya, Kat... uh! Dahlia. Kung nakita mo lang ang itsura mo kahapon. Natakot talaga kami," si Banyera. "Huwag ka muna masyado mag-isip ng kung anu-ano."

"The thing is... it will just come surprisingly. Hindi ko alam kung ano ang trigger."

"I told you. You should bring her with us. The right physician is there," Third's brother murmured, but enough for me to hear it clearly.

"Shut up! I don't want her to get hurt."

Ngumisi at umiling ito.

"Teka, naguguluhan pa rin ako. Kat, este Dahlia. Senior mo si Cameron?"

Iritado kong nilingon si Janice. Ang tanong niya ay somewhat ikinakainis ko. Kung sasakit lang ng ganito ang ulo ko, dapat sinagad ng pinaalala ang lahat. It was just a small portion of my memories. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari matapos noon.

Burning touchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon