Lumabas kaming apat kahit gabi na. Nagpaalam ako kay Mama at Papa at pinayagan naman ako, sinama ko na din si Kuya para makagala din siya at malimutan muna saglit ang lungkot.



Talagang loko ang mga kaibigan ko dahil pinagtitripan nila si Kuya. Nasa gilid kami ng kalsada naglalakad papunta sa nagtitinda ng streetfoods, ito ang kadalasang bonding naming magkakaibigan.



"Ikalma niyo ako na!" sigaw ni Yhanna na hinila si Kuya papalapit sa kaniya at hawakan ang kamay nito.



Naiilang naman si Kuya sa pinaggagagawa ng mga kaibigan ko. Kanina pa kasi siya hinihila ni Yhanna habang makulit naman itong si Heliexia. Si Yullyz at ako ay nakikitawa lang.



Maraming tao ang nasa labas at dahil City ito ay maraming matataas na gusali. Maraming streetlight sa paligid at maraming sasakyan, maingay.



Nabulabog kami ng may bumusina ng pagkalakas lakas. Nagulat na lang kami ng biglang hilain ni Kuya si Yhanna papalapit sa kaniya. Kaya pala bumusina ang sasakyang 'yun dahil nasa kalsada na si Yhanna.



"Tsk" singhal ni Kuya na binaliktad pa ang pwesto nila.



Ang kaninang malapit si Yhanna sa kalsada, ngayon ay si Kuya na na habang hawak ang kamay ni Yhanna. Naistatwa naman si Yhanna sa ginawa ni Kuya.



"Ayieeeeeee" pang aasar naming tatlo sa kanila pero hindi natinag si Yhanna na tutok ang titig kay Kuya.



"Oy ikaw ha! Sinadya mo 'yun ano!" pambibintang ni Heliexia na tinulak pa si Yhanna.



Nanatili ng tahimik si Yhanna hanggang sa makarating kami sa mga nagtitinda ng fishball. Agad naming kinain 'yun habang si Kuya ay bumalik sa nagtitinda, may binibili at naiwan kaming apat.



"Gentleman ng Kuya ko ano" natatawang sabi ko kay Yhanna na siniko pa ito.



"Psh. Sobra kaya nga matatanggal na puso ko kanina dahil sa may malakas na busina at basta basta na lang ako hinila ng Kuya mo" sabi ni Yhanna na ikinatawa namin.



Nanlaki na lang ang mata namin ng abutan ni Kuya si Yhanna ng juice. Ang akala namin ay siya lang pero tig iisa pala kami.



"Bait bait naman Lacson" pambobola ni Heliexia.



"Kuya Lacson" pagdidiin naman ni Kuya na ikinailing ni Heliexia habang nakangiti.



"Mag-e-stay ka dito sa Pasig?" tanong ni Yhanna kay Kuya na pareho naming ikinagulat.



"H-Hindi. Isang linggo lang kami dito tapos uuwi na kami ng Bicol kasi nag aaral din ako" sabi ni Kuya na nilingon pa ako.



SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now