KABANATA VI

Depuis le début
                                    

Nasaan ba ako?

Tinulungan ako ng ale para makaupo ako sa kama at inayos niya din ang unan sa likod ko para maging sandalan ko, tsaka niya binitbit ulit yung mangkok at sinubuan ako.

"Ano bang nangyari sa iyo hija? Nga pala ano ang iyong pangalan?" Tanong niya habang sinusubuan ako.

"Stella Marianne Esperanza Caridad Villagracia po." Sagot ko.

"Ikaw ay isang Villagracia? Ikaw ba ang unica hija ng mga Villagracia?" Gulat na gulat niyang tanong niya.

"Lima ho kami at ako ang ikalima at bunso. At may ate po ako." Nagtataka ako sa lalim ng pananalita niya. Dito ba ako dinala ng mga kidnappers ko?

"Nang Rosa, iyo na bang naulinigan ang nangyayari ngayon sa Hacienda Villagracia? Inatake daw sa puso si Don Amadeo kanina ng mabalitaang nawawala ang kaniyang unica hija." Napalingon kaming dalawa ng ale sa dalagitang kakapasok lang sa kwarto na siyang nagsalita kasama ang isa pang dalagita na siniko ang kasama.

"Augusta! Hindi ba't sinabihan na kita ukol diyan?" Suway naman sa kaniya ng ale na ngayon ay tumayo at marahan siyang pinalo sa pwetan.

"Paumanhin inay nakaligtaan ko ho. Hindi na ho mauulit." Nakayuko niyang pagso-sorry na inilingan na lang ng ale.

Nagtime-travel ba ako? Ganito kasi ang mga nangyayari kapag iyong mga bida ay nababalik sa nakaraan. Pero paano ako napunta rito?

Dalian niyo bago pa makahalata iyong mga kamag-anak na nawawala na tong babaeng to!" Nagmamadali silang sumakay sa tingin ko ay van, naramdaman ko na lang na umaandar na ang sasakyan.

Nasa mabatong parte siguro kami ngayon dahil umaalog ang van na sinasakyan namin----.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko pero agad din akong napatigil ng makitang nakatingin yung ale at yung dalawang dalagita sa akin.

Napatikhim ako tsaka umayos sa pagkakaupo ko sa kama. Paano nga pala nila ako nakita?

Ang naaalala ko lang ay lumundag kami ng kasama kong lalaki sa ilog, pagkatapos ay sunod sunod na kaming pinaputukan ng mga mala- guardia sibil hanggang sa mawalan ako ng hangin sa ilalim ng tubig dahil hindi ko magawang lumangoy pataas para makalanghap ng hangin.

"Ikaw nga ang anak ni Don Amadeo Villagracia. Paumanhin binibini ngunit pinagbilinan kami ni Señor Luciano na huwag ka muna palabasin hanggang hindi ka niya nakakausap." Buntong hininga ng ale tsaka nila niligpit yung mangkok ng sabaw na hinanda nila tsaka sila nagpaalam para mkapagpahinga daw muna ako.

Señor Luciano? Sino naman iyon? Halata namang mayaman iyon dahil sa ganda ng bahay na kinalalagyan ko ngayon pero litong lito pa din ako sa mga nangyayari.

Nasa past ba ako? Nagtime-travel ba ako katulad ng pinapantasya namin noon ng mga kaibigan kong adik din sa history at historical fictions? Posible nga ba talaga ang time-travelling? Ito na ba iyon?

Hindi ko namalayang naglalakad na ako papunta sa balkonahe ng kwartong ito. Lumapit at sumilip ako sa bintana kung saan tanaw ang maaliwalas na itsura ng labas.

Nasa probinsya ba ako? Pero parang familiar ang plaza na natatanaw ko ngayon mula dito. Ito yung sa Intramuros! Ang plaza Roma! Ang ibig sabihin nagtime-travel nga ako!

Maluha-luha na ako ngayon sa realisasyong nakabalik ako sa nakaraan. Anong taon naman kaya ngayon?

Ang ganda talaga kahit sa panahong ito ang Intramuros. Malinis ang paligid. Lupa pa ang kalsada at maaliwalas ang paligid.

La PeleaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant