7.

23 4 0
                                    

DY

"HERE. Huminga ka nga muna nang malalim. Wala akong maintindihan sa sinasabi mo."

Inagaw ko ang box ng Kleenex kay Kulas, humugot ako ng isang ply saka suminghot doon. Kasalukuyan kaming nasa sala ng condo ni Erlin at nakapalibot sa 'kin ang dalawang kaibigan kong kanina pa ako pinipiga ng sagot.

"Hoy Dy! Ano ba kasing nagyari? Shuta. May ginawa ba sa'yo ang prinsipeng 'yon? Mamamatay na ko sa suspense. Ipapa Tulfo na ba natin?"

"Bruha ka Erlin. Paanong papa-Tulfo? Baka tawanan pa tayo ng mga tauhan ni Sir Raffy kapag sumugod tayo't ngumawa 'tong isang 'to. Royal prince 'yon te? Anong laban natin?" Supla ni Kulas.

"Oo nga no. My bad."

"Isa pa, kita mong parang may gripo nga sa mata 'yong tao eh. Hayaan mo muna baka naman naluha 'yan sa diamond ring na ibibigay sa  kanya ni Prince Lachlan."

Lalo akong napahagulgol pagkabanggit sa pangalan ng prinsipeng kanina lang ay kasalo ko sa hapunan.

"Dy, sorry na," niyakap ako ni Erlin at mabilis akong gumanti ng yakap dito.

Ewan pero pag dating sa past ko, masyado akong emotional. OA na kung OA, but it's a topic na hindi namin pinag uusapang tatlo. Masyadong mapait at masalimuot ang pinagdaanan ko kaya nagpasya akong ibaon iyon. Pero mukhang sa mga susunod na araw bigla na lang sasambulat iyon sa harapan ko. Ang masakit may isang tao akong masasaktan nang labis kapag nangyari 'yon and I hate myself for that.

Nang medyo kalmado na 'ko,  bahagya 'kong humiwalay kay Erlin at tinungga ang tubig na inabot sa 'kin ni Kulas.

"So?" Sabay nilang tanong.

Nilaro ko ang basong hawak at tumitig doon na tila ba iyon ang magbibigay sa 'kin ng lakas ng loob. O, ng mga tamang salita.

"Sinabi ko sa kanya ang totoo."

"Totoong?" Si Kulas na biglang napatayo sa harapan ko.

Hindi ako umimik. Tahimik na tinpunan ko ng tingin ang saradong kwarto kung nasaan naroon si River.

"Shit. No way!"

"Goodness gracious, Dy."

Halos mabingi ko sa impit-sigaw ng dalawa pero dahil tila manhid na 'kon, blangko lang ang tingin na ipinukol ko sa mga kaibigan.

"I have no choice. Ipit na ko, guys. Masyado siyang mapilit na makasal kami so I dropped the bomb sa pag aakalang magigising s'ya sa katotohanan. Sinong baliw ang gugustuhin ang gaya kong may extra baggage, 'di ba? Naisip ko rin na sa maloo't madali malalaman n'ya rin naman. Why bother prolong it?" Nagkibit-balikat ako't saka nahahapong sumandal sa upuan at ipinikit ang mga mata.

Tila naging pipi ang dalawa sa loob ng ilang segundo nang marinig ang sagot ko.

"Hindi ko lang ine-expect na alam na n'ya bago pa man ang dinner kanina. May makapal na folder na hawak si gago," patuloy ko't hindi ko napigilan ang paggapang ng galit sa dibdib nang maalala ang mukha ng mautak na prinsipe.

The media was right. He's a total bastard and so manipulative.

"Anong naging sagot n'ya?"

"Mag usap daw kami bukas and that he knows."

Sabay na napabulalas ng Oh ang dalawa. Naramdaman ko ang pag upo ni Kulas sa tabi ko bagi nito ginagap ang kamay ko.

"Hindi ba't mas okay nga 'yon? Hindi mo na kailangang mag explain sa kanya. Naka tipid ka na sa luha't paliwanag."

Thrones Of The Hearts (Reino De Filipinas 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon