CHAPTER 1
Sina
Sobrang init. Halos malusaw na ako sa nagbabagang sinag ng araw. Sumilong ako sa bench at itinaas ang paa ko habang hawak-hawak ko ang naka-plastic na soft drinks at kumakain ng biscuit.
Tangina, hindi ko alam na ganito pala kapagod ang maging Presidente. Kung alam ko lang, hindi na sana ako naging pabida at papansin.
Kaya lang naman ako sumali dahil minamaliit nila ako, kesyo bata raw ako masyado para tumakbo bilang Presidente ng SSG. Eh, 'yung mga kalaban ko nga na 4th year naglalaro pa ng chinese garter sa gitna ng daan. Amoy araw ang mga puta. Paano sila mamumuno kung puro sila mga tanga at hanggang salita lang ang plataporma? Mga bobo.
Hanggang ngayon galit pa rin sila sa akin at mabuti na lang ay mahal ko ang atensyon. Mas natutuwa ako kapag sa akin nila ibinubuhos ang mga mata at bibig nila.
"Oh? Papunta na ako. Wala kayong klase?"
Natigil ang pagkain ko nang namataan ko ang isang lalaking madalas kong pag-initan. Naglalakad siya habang hawak ang payong at sa kabilang kamay naman niya ay ang cellphone.
Wala na rin naman akong gagawin, gagala na ako.
"Hoy! Sabog!" Tawag ko sa lalaking nagngangalang Sylvian ngunit mas kilala sa tawag na 'Ian'.
Huminto ito at lumingon sa akin, nagtama ang aming paningin. Itinaas nito ang kilay sa akin.
"Hintayin mo na lang ako, may kakausapin lang ako saglit," paalam niya sa kaniyang kausap bago ibinaba ang tawag. "Kailangan mo na naman ba, Pres?"
"Saan ka punta?" Nanatili akong prenteng nakaupo habang nanliliit ang mga matang nakabaling sa kaniya dahil sa sinag ng araw.
"Wala, pasyal lang."
"Sama ako!"
"Hindi. Hindi pa tapos ang Intrams, tatakas ka na? Ano'ng klaseng officer ka?"
"Gago! Officer ka rin naman, wala nga lang kwenta. Saan ka nga pupunta?" pamimilit ko.
"Sa libingan,"
"Sama ako." Tumayo na ako at dali-daling sumilong sa payong niya. Iritado na naman ang mukha ng gago.
"Bakit ba? Lubayan mo nga ako, kahit isang araw lang. Hindi ka ata mabubuhay nang hindi ako nakikita,"
Nairap ako. "'Wag kang maarte, ang pangit-pangit mo."
"Tangina nito, may date kami ni Eloisa. Ano'ng gagawin mo roon?"
"May date man kayo o wala, 'yung paki ko nasa bulsa ko at nagkakape. Tara na!" Hila ko sa kaniya paalis.
Wala na siyang nagawa kundi isama ako papunta sa eskwelahan n'ong babaeng nililigawan niya. Gutom na ako at paniguradong ililibre niya ako ng pagkain dahil kasama namin ang kaniyang babae.
Bwiset kasi 'yung binigay na meryenda sa amin! Imbes na kanin ang kakainin naming mga officers dahil sa pagod kaka-ikot, linis at ayos, biscuit at Pepsi lang ang binigay sa amin! Tanginang mga kuripot na 'yan! Kahit 'yung sopas lang sana o kaya spaghetti na naka-plastic pero wala, eh! Isang biscuit at soft drinks lang!
Mapupunan ba n'on ang pagod at pawis namin? Kabobohan!
"Taga-CKC pa lang 'yang babae mo. Ang kapal naman ng mukha mong manligaw ng babaeng galing sa kaaway ng school natin?" Naiiling na sabi ko sa lalaki nang bumaba kami sa tapat ng kulay itim na gate ng eskwelahan.
"Bibigyan kita ng pagkain, basta manahimik ka kapag nandyan na siya."
"Nasaan?"
"Papunta na,"
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Sinta
RomantizmSa ilalim ng madilim na kalangitan, ang kaniyang mga kamay ay naglakbay sa aking baywang, marahan akong isinayaw. Tanging ang maingay na hampas ng mga alon sa dagat ang aming nagsilbing musika. Ayokong matapos ang gabing 'yon dahil alam ko, kinabuka...
