Chapter 16 - Three Is A Crowd

Start from the beginning
                                    

Napangiti na lang si Bea sa sinabi ni Myla. I noticed that they are not letting go of their hands yet. Ano yan, may glue?

Myla starts talking to Bea at sa Kuya niya about security etc. Naupo na lang muna ako at inobserbahan sila.

Huh, bakit ang lagkit ng tingin ni Myla kay Bea?

Like she's checking her out. Damn. I almost forgot, Myla is a bi.

At kaya pala ito umuwi ng biglaan ay dahil may iniiwasang tao sa US, her ex. Ganyan siya, ginagawa niyang parang Manila to Tagaytay lang ang biyahe niya from US to the Philippines.

Masyado kasing play girl itong hipag ko. She had tons of girlfriends and boyfriends. Hindi ko na mabilang sa dami. Sobrang bilis kung magsawa at magpalit. Ang sabi niya, they're only flings.

The last time na nagkwento siya sa akin, alam ko may bf siya. Pero itong iniiwasan niya daw ngayon e girl naman. Kaloka.

Sexy and pretty si Myla, no doubt. Idagdag mo pa ang pagiging rich niya and she comes from a prominent family. Villarama's are a well known politicians in the country. Habulin talaga siya. Kaya hindi siya nawawalan ng ipapalit.

Ang ayoko lang sa kanya ay yung pagiging mapaglaro niya sa larangan ng pag ibig. But it's her life, her choice. Siguro hindi pa siya nakakakuha ng katapat niya. Yung tipong bibihag ng kanyang puso at talagang mai-in love siya ng todo. Pag ang taong yun na ang dumating sa kanya, malamang titino na siya.

O baka yari siya kamo.

According to Anton, masyadong matigas ang ulo ng kapatid niya. Kaya nga ito pinapunta ng US kasi sumasakit ang ulo ng parents nila sa kanya. Spoiled ba naman.

Lumaki sa layaw, anything she wants yata, nakukuha niya. Hindi mo masisisi kung lumaki siya na ganyan. May pagkukulang siguro ang mga magulang niya dahil hindi nagabayan ng tama.

Magkapatid nga sila ni Anton, same ng ugali. They don't know the word respect.

Speaking of which, me and Anton had a talk the other night while Myla was with their parents. We had a chance to finally sit down and discuss our plan.

Actually, my plan lang pala since he thinks that our relationship will still go back to what it used to be. After all what he has done to me?

Expectedly, he was not happy with me because I still plan to divorce him. I told him that I am dead serious and it's final.

Ang nakakainis sa kanya, he doesn't take me seriously. Akala niya nagda drama lang ako. Huwag daw ako magpadalos dalos just because of my ego na nasaktan niya raw ng hindi sinasadya. He already sacked Ali so eventually, makakalimutan ko daw ito paglipas ng panahon.

Ang kapal.

What happened is just one of the trials daw ng marriage namin. He is willing to work hard just to keep our marriage. Nag offer pa siya ng counseling for both of us. Lahat ng pwedeng gawin ay inalok niya sa akin basta hindi kami maghihiwalay.

Ultimately, he said NO talaga. That's why I don't know what to do.

I even called Jia the other day and told her what happened.

"J, that's disgusting. Yucky naman si Anton. Sorry ha. Hindi ko talaga masikmura." she said.

"IKR. Ang nakakagalit lang, he still thinks that it is not serious. That I overreact about it. For him kase, natural lang daw ito sa mga lalaki. Boys will be boys, that was his exact words." I replied.

"Really? Naku I have to ask Miguel kung ganyan ba siya. Nakakatakot naman. Itutuloy ko pa ba ang pagpapakasal?" tanong niya.

Natawa naman ako.

The ProtectorWhere stories live. Discover now