Nginitian ko na lang siya. Gusto kong magtanong kung nasaan ang opisina ni Brandon Rockwell ngunit nang makita ko ang isang pintuang may nakalagay na "Office of the Chief Operating Officer" ay hindi ko na kailangan.

Tumikhim ako at nilapag ang itim na bag sa mesa na nasa labas. I'm sure this is my office, then. Luminga ulit ako, nagbabakasakaling may makasagot sa tanong na hindi ko maisatinig.

Nang makitang may mga nasa mid 30s na babaeng nagmamasid sa akin sa likod ng kanyang reading glasses ay hindi ko na napigilan ang pag muwestra sa kanya sa mesa. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Ikaw ba ang sekretarya ni Mr. Rockwell?" tanong ng babae.

Laking pasalamat ko na siya ang nagtanong non. "Opo. Dito ba iyong mesa ng sekretarya niya?"

Tumango siya.

"Salamat," ngisi ko ulit at umupo na roon sa swivel chair at naghanap ng kung anong gamit sa drawer.

I can't wait to end this contract. Gusto ko nang tapusin iyong kontratang ibinigay ni Madame para makapag trabaho na ako sa isang hotel o isang trabahong mapapakinabangan ang kursong kinuha ko.

Tumikhim ang babaeng nagtanong kanina nang binalikan niya ako sa aking mesa.

"Po?" Tanong ko.

"Hindi ka ba papasok, miss?" sabay tingin niya sa pintuan ng opisina ni Brandon.

"Ayaw kasi ni Mr. Rockwell ng may pumapasok na hindi niya inutos," katwiran ko.

Marahan siyang tumango. "I think you need to go inside to check if he's got instructions for you." Nagawa niyang ngumiwi.

Tumikhim ako at tumayo. Dumiretso na ako sa opisina niya sa isang katok pa lang. Pagkapasok ko ay bumungad kaagad ang kulay maroon na dingding ng kanyang opisina. Nagtama agad ang aming mga mata. Naka dekwatro siya sa kanyang swivel chair at matalim kaagad ang titig niya sa akin.

"Good morning!" ngiti ko kahit na kabado na ako sa kanyang magiging reaksyon. "Hindi ako agad pumasok kasi akala ko marami kang ginagawa."

Suminghap siya sa iritasyon atsaka tumayo. Kumalabog ang puso ko nang narinig ko ang bagsak ng kanyang mabigat na paa sa sahig. It was as if I was facing the last day of my life. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. I don't normally get damn scared... siguro tsaka lang pag guilty ako sa kasalanang nagawa.

"Brandon, look, I'm sorry last night. Hindi ako nakapag text sayo kasi masyado akong nagpadala sa emosyon ko."

Umikot siya sa kanyang mesa at marahang naglakad. Wala siyang sinasabi at nanatiling naka igting ang kanyang bagang. Ang kanyang hintuturo ay nasa kanyang mesa, tinatalunton ang isang hindi kitang linya sa kanyang mesa. Nanatili ang tingin ko roon habang nagsasalita.

"Itetext na sana kita-"

"Pero hindi na kailangan kasi may kausap ka rin naman," dugtong niyang nagpatigil sa akin.

"Tyrone is just my friend." I said defensively.

Tumango siya. "We were once friends too." Dinig ko ang sakit sa kanyang tinig.

One Night, One Lie (GLS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon