"Oo naman! Marami tayong makikitang mga guwapo at mayaman na turista. Malay mo, doon mo makilala ang mapapangasawa mo!"

Nanlaki ang aking mga mata.

Ganoon ba iyon? Kung makakakilala nga siya ng guwapo at mayamang turista, masuwerteng matatawag. Una, bihira na ngayon ang mayaman na guwapo pa. Pangalawa, hindi niya nabanggit kung mabait. Paano kung malupit pala? Kung mabait nga, matatawag kung tunay na masuwerte siya kung mangyayari iyon.

Minasdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Banyera was a type of woman who possessed an Asian beauty. Tan skin. Taller than me even if I had enough height too. Black long hair. Itim na itim ang kanyang mga mata, bagay na kinaiinggitan ko sa kanya gaya ng kanyang buhok. Samantalang ang akin ay kulay asul na kakulay ng dagat kapag nasisinagan ng araw.

Kung mangyayari nga ang masuwerteng pangarap niya, magiging masaya ako para sa kanya. Naniniwala kasi akong lahat tayo ay may kanya-kanyang hinaharap. Hindi man maganda o makakabuti, naniniwala akong minsan sa buhay ng isang tao ay may darating na swerte. Panalangin ko lamang ay ang swerte na dumapo sa amin ay iyong buhay na alam naming mag-aangat sa kahirapan mayroon kami ngayon.

Tumulong kami ni Banyera sa pagbenta ng mga nahuling isda.

Sa consignation, dinagsa si tatay ng mga suki niya. Iyon nga lang, kahit mas madami ang kila Banyera na isda ay mas mabilis na naubos ang amin.

"Pupunta ka ba sa pista, Katya?"

"Naku, Dandeng... baka hindi iyan sumama," si Banyera ang sumagot para sa akin.

"Bakit naman?" Dandeng gave me a sad gaze.

"Wala siyang damit na isusuot—"

Everytime I went here with my father, Dandeng was always persistent to invite me to any event. Palagi ko nga lang siyang sinasabihan na wala akong oras. Totoo naman kasi, matapos kasi nito ay uuwi kami para tulungan ko si nanay sa kanyang gamot at pagtatahi ng mga basahan para ibenta sa nanay ni Banyera. May puwesto kasi sila sa palengke, binibenta niya ang basahan namin para sa amin. Tulong nila.

I could say Dandeng's influence to all the fish vendor in the supermarket was epic. Kaya noong lumapit siya sa akin, isda namin ang dinagsa. Iniisip ng mga tao, mas maganda ang kalidad ng huli namin kahit pa iisang puwesto at iisang dagat ang pinaghulihan.

"Halika, Banyera. Tulungan natin ang tatay mong mabenta ang mga huli niyo ng makauwi na tayo."

"Ako ng bahala sa isusuot mo, Katya. Sumama ka na, minsan lang ang pista. Gusto mo ba, ipagpaalam kita kay Tatay Rufino?"

Lumapit sa akin si Banyera para bumulong, "Pagbigyan mo na. Masugid mong mangliligaw iyan, guwapo naman at may malaking kita. Balita ko'y konsehal ang tatay niya. Kung magkakatuluyan kayo, tiyak maaahon mo na sa kahirapan si Nanay Gal at Tatay Rufino."

Aaminin kong sa lahat ng mga kalalakihan dito, si Dandeng nga ang pinaka-angat sa buhay. Maputi at may tamang pangangatawan na bagay sa kanya. Magalang siya sa matatanda, ngunit para sa akin ay presko at makulit. Don't get me wrong, okay. He was generous to me and my parents. One time when Nanay Galilea was attacked by her asthma, Dandeng was there to the rescue and lend us his car to bring Nanay to the Hospital.

Kung tutuusin, puwede kong gawin ang gusto ni Banyera. Sadyang marami lang gumugulo sa isipan ko.

"Hindi na, Dandeng. Salamat." Ngumiti ako.

Umawang ang kanyang labi at napakamot sa batok. "May ilang araw pa. Kapag nakapag-desisyon ka na. Sabihan mo lang ako."

Tumango ako at muling ngumiti.

Burning touchWhere stories live. Discover now