Una

3 0 0
                                    

Someone's POV

Nakita ko nanaman sila.

Una kong nakita ang pinaka maingay at sociable sa kanilang apat si Mary Anne Gomez,their drummer, para sakin siya ang pinaka nakakairita sa kanilang grupo, napaka ingay walang katumbas ang kaingayan niya lalo na kapag maraming tao, mas maraming tao mas mag iingay siya. She was known for her high level of confidence and of course because of their band. Tinitigan kong mabuti ang kanyang muka, meron siyang eye glasses na manipis pero halatang pang porma lang ito,hindi siya sobrang puti ngunit hindi ko rin masasabi na morena siya sakto lang ang kanyang kulay, ang kanyang napaka tuwid at itim na buhok ay umaabot na sa kanyang bewang, sumasayaw ito sa bawat pag hakbang niya,hapit ang kanyang uniform sa katawan kaya kitang kita ang hubog nito, ang kulay brown na mga mata ay mas nahahalata kapag natatamaan ng sikat ng araw, hindi maipag kakaila na maganda siya ngunit marami akong naririnig mula sa iba na hindi raw ito nag seseryoso sa relasyon at kung maka pag palit ng lalaki ay parang nag papalit lang ng damit.

Kasunod niya ay ang kanilang gitarista si Cyril Amber Go, kilala na siya noon pa man dahil sakanyang pamilya na may malagong kompanya, siya ang pinaka matanda sa kanilang grupo. Ang kanyang buhok ay naka pusod at may iilang hibla na nakakalat sa kanyang muka, ang bilog na salamin ay bagay sakanyang singkit na mata, ang uniform ay medyo maluwag, halatang konserbatibo, naka sukbit ang gitara sa likod at ang isang kamay naman ay naka pasok sa bulsa ng palda, nakikita ang kulay blue na brace niya at nawawala ang mga mata tuwing ngumingiti sa mga taong bumabati ,napa tingin siya sakin kaya iniwas ko ang mata ko sakanya.

Dahil sa pag iwas nahagip ng aking paningin ang ikatlong miyembro ng kanilang grupo si Nicole Dela Fuenta sikat dahil artista na ito mula bata sa isang malaking TV network. She is the vocalist in their band, she sang very well. Marami siyang teleserye at mga advertisement, malakas din ang kanyang hatak sa mga tao dahil simula ng mag enroll siya sa school ay marami na ring estudyante na lumipat dito kaya madalas ay binibigyan siya ng special treatment dahil sabi nila asset daw siya ng school, ngunit katulad ng ginawa ng mga kagrupo hindi niya din tinanggap ang special treatment na iginawad sakanya. Napatingin ako sakanyang buhok na hanggang balikat lamang, sa kanyang mga mata na bilugan, ilong na matangos at labi na perpekto ang hugis kapansin pansin ito tuwing ngumingiti siya sa mga taong nakakasalubong.

At ang huli ay si Mae Gamboa their keyboardist, model sa isang sikat na modeling company, kahit sa ibang bansa ay naka gawa na ng sariling pangalan. Makinis, maganda, maputi, maalon ang buhok na natural na kulay brown at matangkad ngunit kita sa bawat galaw na hindi siya confident at halatang mahiyain, tipid ang bawat pag ngiti sa mga fans na bumabati. Madalas siyang naka kapit sa kagrupong malapit sa gawi niya at hanggat maaari ay diretso lang ang kanyang tingin at minsan lang kumaway sa mga tao.

"Bye guys!! ow by the way watch our gig tonight muah!!" napa ngiwi ako ng mag flying kiss si Mary sa kanilang mga fans, napatingin siya sakin at medyo nag tagal ito kaya umalis na ko sa aking kinatatayuan.

Our last pageWhere stories live. Discover now