Kita na, kita

1 0 0
                                    

Kita na, kita.

Nakilala kita ng hindi inaasahan
dumating ka sa buhay ko ng biglaan
puso kong nanahimik bigla mong tinambayan

Pagod na ako sa sakit
pag-ibig, matagal ko ng nilimot
pasakit ng nakaraan
ayaw ko ng maranasan

Masaya ako sa buhay ko
kuntento na ako sa meron ako
wala na akong hinahanap pa
pero may bonus na IKAW pa pala

Nakilala kita dahil sa kapatid ko
tingin ko sayo noon una ay estranghero
sayo ay hindi interesado
pero loob ko ay nakuha mo

Sa simula ay ayoko
para sa akin kaibigan lang kita
wala akong nararamdaman para sa'yo
hanggang sa biglang may nagbago

Umamin ka na gusto mo ako
nasaktan kita kasi sabi ko ayoko
puso ko ay hindi pa handa
hindi ko kayang suklian ang nadarama mo

Ngunit isang araw
bigla na lang akong nagising
nakita ang mga bagay na magaganda sa iyo
di ko namalayan, unti-unti na akong nahuhulog sa'yo

Lumalim ng lumalim
hindi ko na napigilan
ang puso ko ay napasaiyo
at heto ako ngayon sa harapan mo

Nakangiti dahil nakita na kita.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Aug 27, 2021 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Kita na, kita.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang