"Abay ombeng grabe ka naman sa maduming kamay! For your information ako po ang tumulong sa bebe mo na matuntun tong bahay niyo at wala akong balak na agawin siya sayo kasi una palang ako naman ang nagmahal sa kanya at hindi ikaw" pagmamalaki niya pa sabay pisil sa pisngi ni lara , abay sinasagad nito ang pasensya ko ah humanda ka mamaya bonitah pag wala na si lara dito.

"Shut up---"

"Grabe oo nga sheki right? Dapat pala ikaw nalang yung nakilala ko eh , nakakahiya palang magpunta sa bahay ng girlfriend mo tapos makikita mo yung mukha mo na may mga drawing at nakasulat na Lara Mae Panget?" Halos madapa dapa naman ako sa pagmamadali upang tanggalin yung mga poster na nakalagay sa mga pader.

Dapat pala matagal ko na itong tinanggal argh! Nakakahiya sa kanya ngayon , isa pa tong si sheki na panay hawak kay Lara.

Kung hindi kita kaibigan for sure ay mapuputulan ka na ng kamay dahil sa pinanggagagawa mo ngayon , pag mamay ari ko yan hoy hanap ka sayo

"Sorry na love!" Sabi ko sa kanya sabay lapit at inalis yung malalagkit na kamay ni sheki na kanina pa nakahawak sa may bandang pala pulsuhan ni Lara.

"Literally that I'ved dated an anti fan hmp dapat pala yung mga die haed fan ko yung jinowa---" di ko na siya pinatapos at hinalikan ko siya sa may bibig upang manahimik na siya.

"Damn?! Respeto naman sa mga single dito ate brei?! Arghhh!!" Singhal naman ni frances na nakatakip ang mga mata ngayon abay ano namang problema kung halikan ko tong girlfriend ko?

"Anyway bakit ka pala nandito at balot na balot ka pa talaga ah? Sure ka bang walang nakakita or namukhaan ka dito?" Tanong ko sa kanya napangiti nalang siya sa akin at tsaka umiling iling.

"Bukas na ang alis ko kaya nais ko sanang magdate tayo sa tagaytay i guess? Sama nalang natin itong kaibigan mo at kapatid mo? Wala pa ba dyan yung mom and dad mo? Nais ko sanang pormal na makilala at makausap sila upang sa ganun ay maayos akong magpakilala sa kanila na ikaw ay aking kasintahan na" sabi pa niya sabay akbay sa akin at pinisil yung ilong ko.

"Wala pa eh pero pwede ka naman na magpalipas ng gabi dito if gusto mo lang naman love, kasya naman tayo doon sa may kama ko" binulong ko nalang yung huli kong sinabi sa kanta kasi for sure magsasalita na naman yung dalawang epal na nandito sa may tabi ko.

Bahagyang namula naman siya kasabay nun ay ang pag ubo ubo niya mukhang nasamid ata dahil sa sinabi ko hahaha.

"So tara na??" Aya niya sa amin nilagyan ko siya muli ng mask and then nauna na silang pumasok sa may sasakyan habang ako nila lock ko pa yung pinto at tsaka tinext ko sila mom and dad na may bisita kami mamaya upang makapagluto sila ng ulam.

Fast forward nakarating na kami ng tagaytay, ganun pa din ang ganap lumabas na balot na balot si lara at kahit gustuhin ko man na hawakan ang kanyang mga kamay ay hindi ko magawa sapagkat nag aalala ako baka may makakilala sa kanya.

"Akin na yang kamay mo love! Don't worry walang makakakilala sa akin dito dahil sa suot ko" Sabi niya sa akin sabay hawak ng mahigpit sa ma kamay ko.

Nandito lang kami sa may tuktok, nireserbahan niya pala itong buong place kaya pala walang tao sa loob.

Lumabas lang ako kasama siya dahil iniintay pa namin yung inorder namin maya maya pa daw kasi masiserve kaya ayun gusto ko muna na masolo siya kahit sa huling sandali.

Nasa likuran ko siya at nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin , unti unti ko namang tinanggal iyon sapagkat may halong takot at kaba ako na baka may kumukuha ng litrato sa amin ngayon.

Pero hindi siya nagpatinag at mas lalo niya pang hinigpitan yung pagkakayakap niya sa akin habang ako ay nakatalikod sa kanya.

"Let's stay like this for a moment love , i love you scent at mamimiss ko to , but don't worry I'll be back soon" bulong niya pa sa may bandang tenga ko, gosh bakit sobrang sweet niya habang lumilipas yung mga araw? Feeling ko mas pa sweet siya ng pasweet pag tumatagal.

I didn't know na ganito pala siya , dati kasi kala mo bato na naglalakad eh yung feeling na parang ang strong lang lagi pero kung makikilala mo siya ng lubusan mapapasabi ka na napaka softhearted niya kahit minsan may pag ka attitude.

"Okay love! I'll promise that i will wait for you sa muling pagbabalik mo , I love you Lara ng buhay ko" sabi ko sa kanya saka hinarap siya, wala na siyang mask or kahit anong nakatakip sa mukha niya kaya kitang kita ng mata ko kung gaano siya kagandang pogi grabe araw araw mas naiinlove ako sa kanya.

"I love you too brei liit ng buhay ko! Ikaw lang ang mamahalin ko hanggang dulo kaya pakatandaan mo yan ah?!" Sabi niya sabay binigyan ako ng halik, yung feeling na parang last kiss na ito ayun ang nararamdaman ko sa ngayon.

"Nakahanda na yung pagkain mga ate? Mamaya niyo na po ituloy yang pagkakainan ay este pag ba bonding niyo, tara na sa loob" sabi naman ni frances sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa sinabi niya , magkahawak kamay lang kami sa ngayon ni lara na pumasok sa may loob.

I DATED AN ANTI FAN (LABREI)Where stories live. Discover now