"Oh?"

"Oh? Ano?"

"May gagawin ka pa ba?" tanong niya na para bang ayaw niyang kargahin si Mikko.

"Oo. Maghahanap ng gown." sabi ko at bumalik na sa inuupuan ko kanina.

"Mamaya na yun. Susunduin ko pa si Mikki oh." sabi niya at lumapit sakin. Sinara ko naman ang hawak kong magazine.

"Wait lang. Bihis lang ako." 

Pagtapos ko, agad kong kinuha si Mikko sakanya. 

"Sama kami" sabi ko at tumango lang naman siya.

*

Lumipas ang ilang buwan at hindi na masyado nakakapagtrabaho si Gino. Pano ba naman, boss eh. Kung kelan gusto, aabsent. Ewan ko ba dun, tinatamad na yata.

"Hoy. Hindi ako tinatamad no." sabi niya habang nakasalampak sa kama. Eto na naman kasi yung issue namin. Ang pagiging tamad niya.

"Eh ano pala?" sabi ko habang nakapamewang. Kakalagay ko lang kasi kay Mikko sa crib.

"Namimiss ko lang kayo lagi" sagot niya habang nakangiti.

"Che. Muka mo namimiss mo." sabi ko at tumabi na sakanya.

"Babeee.." sabi niya using his husky voice.

"Yes?" seductive kong sagot. Nako, kilalang-kilala ko na 'tong si Gino, basta ganyan yan, gusto niyan mag-ano. Tsk tsk.

"One round?" yan tawag niya sa 'ganun'. One round na umaabot sa tatlo. KALOKA.

OURS [Hala Ka!? Book 2]Where stories live. Discover now