MALAYA

4 0 0
                                        

Malayo man ang tanaw,
Kung saan wala ng ikaw,
Sa ating mga pangarap,
Na bigla na lamang nawala.

Pinilit kong makalimutan ka,
Ngunit patuloy kang nasa isipan pa.
Naglalakbay pa rin sa aking ala-ala,
Ang mga nakaraan na kasing saya pa.

Malaya ka ng iniwan akong nag-iisa,
Sa mga panahong ikaw ang kinakailangan.
Malaya ka ng maging masaya,
Sa piling na ngayon ng iba.

Malayang-malaya kana,
Sa piniling mong buhay
Kung saan ako at ikaw,
Tinatapos na ang sinimulang akda.

POEMS COMPILATIONUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum