"Sir Elio!!" rinig kong bati ni Santy pero hindi pa rin ako nag aangat ng tingin, medyo nanlamig ako. "Uy kamusta na Sir Santy?" ang awkward naman nito.

Nag angat na din ako ng tingin. "Sir Elio." ginawaran ko na lamang siya ng ngiti para magbigay bati at ganoon din naman siya.

Kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan ko, napakabagal ng oras ngayon. Magkwkwentuhan lang silang tatlo paminsan ay sumasagot din naman ako at nakikisali sa kwentuhan nilang tatlo.

"Ikaw Maam O? balita ko three years nang sunod sunod na mula lagi sa advisory class mo ang nagchachampion sa battle of the bands." nagulat ako ng bahagya sa tanong na iyo ni Elio.

Kunwari chill lang "Kami lang to, ako lang to!" pabiro kong aniya. "Sa totoo lang hindi ko pa din alam kung anong plano ng mga anak ko pero kung ano man yung maging plan nila lagi't lagi naman akong support sakanila." Totoo naman na hindi ko pinapakialaman ang mga anak ko sa ganiyang bagay pero iba yung di pinapakialaman sa walang paki. Ayoko lang na ma-pressure sila gusto ko lang na mag enjoy sila.

"Nako duda ako sa mga paganiyan mo Oceana! Yan din sinabi mo last year pero pakak ang performance ng mga junakis mo!" pang-aalaska pa ni Iris

"apaka competitive ng mga junakis mo teh, sa trotoo lang!!" gatong pa ni Santy

Buti na lang at nag change topic sila at yung about sa foundation week na ang naging topic namin. Medyo gumaan at nabawasan yung awkwardness. As usual bangayan na naman si Iris at Santy at sanay na kami doon.

"Miss O!! buti po nakita ko na kayo, pinuntahan ko po kayo sa faculty kasi akala ko andoon na kayo." hinihingal na saad ni Andrea, isa sa mga anak ko.

"Nak, teka kumalma ka nga, hinihingal din ako sayo eh." pagpapakalma ko kay Andrea

"Ano bang nangyari sayong bata ka at hingal na hingal ka?" tanong naman ni Iris.

"Miss O kasi po si Dianne at Ryan nag aaway po sa room, hindi po namin maawat-" Agad agad na akong tumayo para pumunta sa classroom ko. Madalas na talaga magbangayan ang dalawang iyon pero ito yung unang beses na ganito-yung umabot sa punto na kailangan na nila ako para maawat yung dalawa.

Naabutan ko na itinutulak tulak ni Dianne si Ryan at may sinasabi siya. Nakita ko din na pilit silang inaawat ng iba pa nilang kapwa kamag-aral.

"Ano bang problema mo sakin ha?! bakit ang init init ng dugo mo sakin!?" sigaw ni Dianne

"Hindi mainit ang dugo ko sayo! sadyang saksakan lang talaga ng tigas ng ulo mo! lahat na ata ng offenses dito sa school nagawa mo!" ngayon ko lang nakita na ganito si Ryan, sanay ako sa Ryan na kalmado at mahaba ang pasensya.

"May kulay ang buhok, ang kapal ng make-up, laging late, numerous counts of cutting classes, caught drinking liquors na naka school uniform at napakabilis magpalit ng lalaki—kahit kanino ata pumapatol-" isang malakas na sampal ang iginawad ni Dianne doon.

"putangina oo pasaway ako! oo i break the rules pero kahit kailan hindi ako katulad ng iniisip mo! Hindi mo ako kilala para husgahan ng ganiyan..." nakita ko kung paano bumuhos ang mga luha ni Dianne, agad ko silang nilapitan. Bakas sa mukha ni Ryan ang pagkabigla.

"Lumabas muna kayo mga anak ako nang bahala dito pero huwag na sanang makalabas pa sa silid na to kung ano man ang nangyari." Kalmado kong pakiusap sa ibang estudyante. "Ryan and Dianne stay, we will talk."

Hinayaan ko muna na maupo ang dalawa bago ko kinausap si Andrea at sinabihan na wag na muna magpapasok sa loob ng classroom, binigay ko na lang sakanila itong spare time para gawain ang mga kailangan nilang gawin.

YES SIR, NO MISS.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora